Ako ay nagbalik sa pahinang ito.. sumilip para kumustahin ang mga taong sumusuporta at tumatangkilik sa mga imahinasyong dinidikit ko sa dingding na ito. nagbasa basa ng ilang kumento nag reply ng bahagya then nagisip, at nanahimik... maaaring ang ilan sa inyo ay nagtataka kung bakit di na ako nakakapag sulat.. siguro dahil busy o malamang di talaga ako tamaan ng Mood nitong mga nag daan.. Hindi ko rin alam.. baka di na ako masigla sa ginagawa ko. o maaaring nagsasawa na rin.. ganon pa man.. isang bagay ang nakakasiguro ako. naging Masaya ako sa ginawa ko. gaya mo naaaliw din ako pag paulit ulit kong binabasa ang mga bagay na naihayag ko dito. mga bagay na di ko kayang salitain sa totohanan pero naibubulgar ng isipan. don ko natutunan na pag pala inilalabas ang tunay na nararamdaman minsan di mo rin pala kailangan maghanap ng isang kaibigan para mapagsabihan ng loob. mas iba nga pala yung isinusulat. then 1 day pag ok ka na babasahin mo yng mga sinulat mo para marealize mo ang pagkukulang mo.. kabaligtaran man yung mga sinabi mo sa sulat. eto naman ang magiging inspirasyon sayo para malaman mong di pa huli ang lahat.. madami akong masasayang ginawa dito sa labas ng internet. gusto ko sang ikwento pero sa ibang araw na siguro.. antok na ako ih.. :)) ang importante matutulog ako ngayon nh happy at may kasamang ngiti... :))
domenica 11 dicembre 2011
mercoledì 9 novembre 2011
Dalamhati
Marahil alam mo na.. sa pagtatapos ng Enero totoong hindi naging maganda ang simula ng ating taon.. eto na siguro ang taon kung saan matatapos ang lahat (sa atin). Nakakalungkot isipin na nauwi lang sa WALA ang lahat. sa araw araw na ginawa ng Diyos na paikutin ang mundo. eto tayo at nakatigil. nakahinto sa sitwasyong walang patutunguhan. madalas nating sabihin na pagod na tayo. siguro nga.. napapagod tayo sa ating mga sarili dahil sinasanay natin ang isat isa sa pag gawa ng mga bagay bagay ng di nagtutulungan. nagpapataasan tayo ng pride gayong ang ating tahanan ay unti unti ng nawawasak dahil sa walang pakialaman. Ako, bilang katulong mo sa pagtawid sa buhay ay pinatay mo ng walang kalaban laban. ako na minsan ay nangarap na maisaayos ang lahat ay di mo pinahintulutang makabangon mula sa aking pagkalugmok... Sayang
Hanggang kailan ba tayo ganito? hanggang kailan ka mananatili sa ganyang sitwasyon? ilang beses na akong nagsabi sayo na kailangan na nating tumakbo pero ayaw mo.. mabilis na tumatakbo ang panahon pero anong ginagawa mo? Hindi mo ba alam na ikaw ang Driver ng aking buhay at ako ang sasakyan? alam mo yun. at saksi ka sa mga pangyayari. alam mong walang direksyon ang buhay ko kung bibitawan mo lang ang manibela ko. alam mong pag tumakbo ako magisa may posibilidad na mabangga ako.. alam mo yun dahil madalas mong ginagawa sa akin yun.. Nasasaktan na ako. ang totoo hindi ko naman na hinahangad na maging Priority mo ako. kaya lang, wag mo na man sana akong ihanay sa mga nasa huli na halos ituring mong basura.. wag naman.. kahit papaano naman masasabi ko na minsan napapasaya din kita.. at natutulungan din pag kailangan mo ako. pero di ko na magawang magkusa. sa sentidong mas pinangungunahan ako ng pangamba na baka magkamali o baka di mo appreciate. trauma na sa akin yun dahil eversince ganon ka lagi sa akin.. sorry. pero kahit ganito pa tayo ngayon. aasa at aasa pa rin ako na magbabago ka ng pakikitungo sa akin. isa kang inspirasyon na babaunin ko sa habang panahon...
venerdì 28 ottobre 2011
Buntong Hininga...
Hindi ko maipaliwanag ang araw na to. wala sa sarili, nakatingin sa kawalan, walang ganang makipagusap, walang ganang ibuka ang mga bibig, mahinahon ang tibok ng puso. magulo ang utak. 2 bagay lang ang pumapasok sa isipan.. past and present.. "Ano ba ang nagawa ko?" at "Ano ba tong ginagawa ko?" . naghahanap ng solusyon hanggang unti unting kumukunot ang noo. Konklusyon? isang malaking WALA!! ewan. di ko alam.. hindi ko na alam.. pagod na pagod na ako.. sawang sawa na ako. paulit ulit na lang. . palagi ko na lang sinisisi ang sarili sa bandang huli.. ayaw kong isipin na tuluyan na akong nawala.. nababalot ng kadiliman ang aking puso. pero hindi ako humihinto sa paghanap ng liwanag. at pag nakawala ako sa sariling kulungan. magpapahinga. sa sandaling makaipon uli ng lakas.. babalik na naman ako don. para pahirapan ang sarili.. saktan ang diwa at sisihin ang pagkatao. ikaw? andyan ka lang.. mahinahong sinasaksihan ang mga nangyayari.. hinihintay yung pinangarap mong pagkawasak. ang aking pagkalugmok ang aking pagpanaw.. doon magsisimula ang hinihintay mong kapayapaan. don mo maipagmamalaki na tunay ka ng malaya.. don ka tatanggalan ng tinik na matagal ng naka tarak sa iyong puso. iyon ang araw ng katuparan ng iyong hiniling sa kanya.. iyon ang araw na masasabi mong lubos ka ng masaya..
Pero andito pa ako.. katulad ng iba na nangarap din ng pagbabago. ng panibagong panimula. ng isa pang pagkakataon. karapatan ko rin yun. kahit nagkaganito ako. hanggat may natitira pang hininga at hindi pa sumusuko. tungkulin mo pa rin na ipakita sa akin ang liwanag. andon ako sa gitna pilit na sinisigaw ang pangalan mo.. pilit na nakikiramdam ng alingawngaw ng tinig mo.. pero wala na.. iniwan mo na akong nakakulong sa mundo ko na inakala mong ito ang pinili ko... hindi. hindi ito ang pinangarap ko. . nagkamali lang ako. naliligaw lang ako. eto ang resulta pag pinababayaan mo ako. patunay na hindi ko kayang mabuhay na wala sa piling mo. umasa ako na tatalian mo ako ng pagibig na ipinangako mo.. pero hindi ko namalayan na sinayang ko na pala lahat ng pagmamahal at pagunawa mo. kasalanan ko ito.. patawarin mo ako. hayaan mong pagsisihan ko ang.lahat ng ito.. haaayyyy. bubuntung hininga na lang ako.. sana minsan maalala mo ako dito sa balon na kinalalagyan ko....
Pero andito pa ako.. katulad ng iba na nangarap din ng pagbabago. ng panibagong panimula. ng isa pang pagkakataon. karapatan ko rin yun. kahit nagkaganito ako. hanggat may natitira pang hininga at hindi pa sumusuko. tungkulin mo pa rin na ipakita sa akin ang liwanag. andon ako sa gitna pilit na sinisigaw ang pangalan mo.. pilit na nakikiramdam ng alingawngaw ng tinig mo.. pero wala na.. iniwan mo na akong nakakulong sa mundo ko na inakala mong ito ang pinili ko... hindi. hindi ito ang pinangarap ko. . nagkamali lang ako. naliligaw lang ako. eto ang resulta pag pinababayaan mo ako. patunay na hindi ko kayang mabuhay na wala sa piling mo. umasa ako na tatalian mo ako ng pagibig na ipinangako mo.. pero hindi ko namalayan na sinayang ko na pala lahat ng pagmamahal at pagunawa mo. kasalanan ko ito.. patawarin mo ako. hayaan mong pagsisihan ko ang.lahat ng ito.. haaayyyy. bubuntung hininga na lang ako.. sana minsan maalala mo ako dito sa balon na kinalalagyan ko....
martedì 11 ottobre 2011
its just a Music...
Musika. ito ang pagtutuan natin ng pansin ngayon. halos 4 na buwan na rin ang lumipas nang huli kong hawakan ang aking gitara. napakatagal na non para sa isang tunay na Musikero. at kahit pagod galing sa trabaho, sinubukan ko uling mag riff. naisip kong sumepra ng kanta para ma testing ko uli kung uubra pa ang matitigas ko ng daliri. Cariño Brutal. ito ang napili kong tugtugin. kinompose ito ng Bandang Slapshock at ginawan na rin nila ng MTV during their US tour. magandang praktisan ang kantang ito para sa mga non pro guitarist kagaya ko. ilang beses kong pinakinggan, nanood sa youtube ng ilang lesson nag search ng tabs then tinugtog...so far, nakuha ko naman ang 95% ng kanta. :) so pwede pa! pero ang totoo, wala pa akong planong bumalik sa music scene. tumugtog ako dahil excited akong subukan ang aking MARSHALL MAJOR headphone. very satisfied! sino ba nMan ang mag aakala na ang isang pinaka astig na AMP ay magiging ganap na headphone.. pero dahil sa pagod at puyat , akalain mo bang nakatulog ako habang nag iistrum? naimagine ko tuloy ang sarili ko ano kaya at sa gig yun nangyari? nasa kainitan ng concert tapos biglang nakatulog sa stage? tyak madadagdagan na naman ang embarassing moment list ko!
Noong teenager ako napahilig din ako sa pagbabanda.. passion ko yan... hanggang sa maging hobby at nagtapos na lang sa past time ngayon.. kaya may ilang nagtanong din sa akin.. mahusay ka rin pala mag gitara bat ayaw mong bumuo ng compo? ngumiti ako sa kanya at sumagot: alam mo, pag dating sa musika halos nagkakapareho tayo ng hilig. yun nga lang, ikaw lumilikha ka ng musika base sa TRIP mo at kaya mo. ako kumokopya ako dahil nakaka RELATE ako at nahihirapan ako. kaya alam mo kung saan tayo nagkaiba? sa PANANAW.. 31 na ako at pamilyado na rin sa tingin ko hindi na ito ang tamang moment para mangarap maging rockstar.. kuntento na ako na natutugtog ko yung mga kantang madalas kong pakinggan sa mp3 player ko. at kapag napondo ko na ang isang mahirap na kanta, kuntento na ako. at least sa sarili ko masasabi ko na kinaya ko! achivement na yun bunga ng pagtityaga at pagpipilit na macover ang isang kanta then saka ko itatanong sa kanila. kaya mo rin ba to? :)
Noong teenager ako napahilig din ako sa pagbabanda.. passion ko yan... hanggang sa maging hobby at nagtapos na lang sa past time ngayon.. kaya may ilang nagtanong din sa akin.. mahusay ka rin pala mag gitara bat ayaw mong bumuo ng compo? ngumiti ako sa kanya at sumagot: alam mo, pag dating sa musika halos nagkakapareho tayo ng hilig. yun nga lang, ikaw lumilikha ka ng musika base sa TRIP mo at kaya mo. ako kumokopya ako dahil nakaka RELATE ako at nahihirapan ako. kaya alam mo kung saan tayo nagkaiba? sa PANANAW.. 31 na ako at pamilyado na rin sa tingin ko hindi na ito ang tamang moment para mangarap maging rockstar.. kuntento na ako na natutugtog ko yung mga kantang madalas kong pakinggan sa mp3 player ko. at kapag napondo ko na ang isang mahirap na kanta, kuntento na ako. at least sa sarili ko masasabi ko na kinaya ko! achivement na yun bunga ng pagtityaga at pagpipilit na macover ang isang kanta then saka ko itatanong sa kanila. kaya mo rin ba to? :)
domenica 2 ottobre 2011
Today's Quote
"Tragedies happen. What are you gonna do, give up? Quit? No. I realize now that when your heart breaks, you got to fight like hell to make sure you're still alive. Because you are. And that pain you feel? That's life. The confusion and fear? That's there to remind you, that somewhere out there is something better, and that something is worth fighting for." — Nathan Royal Scott
Be Kind
Minsan may mga bagay tayo na kahit kaya nating gawin pero hindi natin ginagawa.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maging mabuti sa isang tao,
Gawin mong maging mabuti sa kanila.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na ngumiti sa isang tao
ngitian mo. Ang mga ngiting nakikita mo buhat sa kanila,
yan ang mga ngiting ibinahagi mo sa kanila.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makakita ka ng may lumuluhang tao
Pahiran mo ang kanyang mga luha
hawakan ng banayad ang kanyang mga kamay
Makakaramdam siya ng isang kaligayahan na tanging ikaw lang ang nakapagbigay.
Kung bibigyan ka ng pagkakataong gumawa ng kabutihan sa kapwa,
Susuklian ka rin ng kabutihan.
Ang totoong kabutihan ibinabahagi ng kusa
walang anumang kapalit
ibahagi mo ito ng libre
Kung bibigyan ka ng pagkakataong magbigay ng tulong sa kapwa
yan ang mga bagay na mag papaalala sa kanila na ikaw ay mabuting tao
para sa kanila.
Kung bibigyan ka ng pagkakataong magpatawad sa mga taong nagkakasala gawin mo dahil hindi rin sila perpektong tao.
Huwag na nating hintayin ang pagkakataon,
Ang lahat ng pagkakataon ay hawak mo.
Kahit ano pa sila..
STILL BE KIND!
BE KIND TO THOSE UNKIND.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maging mabuti sa isang tao,
Gawin mong maging mabuti sa kanila.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na ngumiti sa isang tao
ngitian mo. Ang mga ngiting nakikita mo buhat sa kanila,
yan ang mga ngiting ibinahagi mo sa kanila.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makakita ka ng may lumuluhang tao
Pahiran mo ang kanyang mga luha
hawakan ng banayad ang kanyang mga kamay
Makakaramdam siya ng isang kaligayahan na tanging ikaw lang ang nakapagbigay.
Kung bibigyan ka ng pagkakataong gumawa ng kabutihan sa kapwa,
Susuklian ka rin ng kabutihan.
Ang totoong kabutihan ibinabahagi ng kusa
walang anumang kapalit
ibahagi mo ito ng libre
Kung bibigyan ka ng pagkakataong magbigay ng tulong sa kapwa
yan ang mga bagay na mag papaalala sa kanila na ikaw ay mabuting tao
para sa kanila.
Kung bibigyan ka ng pagkakataong magpatawad sa mga taong nagkakasala gawin mo dahil hindi rin sila perpektong tao.
Huwag na nating hintayin ang pagkakataon,
Ang lahat ng pagkakataon ay hawak mo.
Kahit ano pa sila..
STILL BE KIND!
BE KIND TO THOSE UNKIND.
A Torpe Letter
Dear Nene,
Alam mo bang crush kita? Palagi kitang inaabangan sa school. Kapag nakikita kita, kumpleto na ang araw ko. Hindi mo lang alam, kabisado ko ang sked mo. Alam ko kung san ka dumadaan pagtapos ng mga klase mo. Pero wag mo sanang isiping stalker ako ha. Crush lang talaga kita. Ganito siguro ang naisip ng Diyos para sipagin ako sa pagpasok sa school. Kung ganun man, napakatalino Niya talaga. Binigyan nya ako ng inspiration. Swerte ko nga e, di ko pa birthday niregaluhan na nya ako. Kaso, hanggang tingin lang ako e. Pero sa totoo lang, masaya na ako dun. Basta makita kita sa isang araw makakangiti na ako. Wag ka sanang magagalit, ako yung nag-ipit ng bulaklak dun sa notebook mong naiwan mo sa library. Alam ko namang puno ng notes mo yun sa math pero ginawa ko pa rin. Sorry ha. Alam mo ba may isang beses nagkatabi tayo sa pila sa cafeteria. Tapos nung magbabayad ka na, sakto namang kukuha ako ng sukli. ibinigay sakin nung tindera yung inabot mong bente. Alam mo bang nakatabi pa yun sa aking mga gamit? mas mahalaga pa yun kesa sa 100 peso bill na gloria arrovo o yung up centennial. nung valentines day, ibinili kita ng rosas pero sa hiya ko, ipinaabot ko dun sa isang kaibigan mo. kaso nakita naman daw ng gf nya, napilitan tuloy syang ibigay. babayaran na lang daw nya. tuloy, sumulat na lang ako sa isang yellow paper at nagdrowing ng bulaklak. ginawa kong eroplano at pinalipad ko sayo. tumama ito sa mata mo at nagalit ka kaya't kumaripas ako ng takbo. di ko tuloy nakita kung nabasa mo ito o itinapon lang. Siguro kilala mo na ako kasi friend na kita sa friendster at multiply e. Alam mo ba nung isang araw habang naglalakad ka papuntang lobby, bigla kang napalingon sa akin at nakangiti ka. Ewan ko ba pero alam ko namang hindi para sa akin yung ngiting iyon ngunit natunaw mo pa rin ang puso ko. biglang parang lumutang ang katawan ko sa sarap ng pakiramdam. Para akong xxxxx at ilang minuto akong nakangiti sa kawalan. Gusto sana kitang lapitan at makipagkilala pero nahihiya talaga ako. Ipinakilala ka na sakin nung kaibigan mong kakilala ko pero parang wala lang naman sa iyo. in-offer ko nga yung kamay ko para makipag-shake hands pero hindi mo ata ito napansin. Tina-try ko lumapit sayo at makipagusap pero lagi ka naman may kasama. Gusto sana kita maging kaibigan. at kung papalarin man, mas higit pa run. Kaso natotorpe talaga ako e. Panu ba naman, sa ganda mong yan alam kong marami ka nang manliligaw na hamak namang mas mukhang tao kesa sa akin. kumbaga para tayong langit at lupa e. langit ako, lupa ka. joke lang, baliktad pala. sumulat ako para malaman mong may pagtingin ako sa iyo. sana pansinin mo na ako pag nagkita tayo ulit sa school. kung di man, sagutin mo na lang sana itong sulat kong ito. itatanong ko lang sana kung:
pwede ba kitang ligawan?
A. OO
B. HINDI (ipaliwanag)
____________________________________________
Love,
Totoy
Respect
Ang totoo , wala naman talagang napapala ang isang patay kung lalagyan mo ng bulaklak ang puntod nya. ang pag respeto sa isang patay, ay pagrespeto sa.mga ipinaglaban nya na alam mong tama.. pangalagaan ang kalayaan o ano mang magandang buhay na pangarap nya para sa inyong lahat!
The Adventure of Mang Kanor
Noong unang panahon, Sa isang sulok ng ilog ng Balete ay may nakatirang isang Diwata. meron syang katangian na totoong kabigha bighani sa paningin ng tao.. maganda sya, matangos ang ilong, meron syang mahabang buhok, medyo maputi, may maliit na pakpak, malungkot ang dalagang diwata na naglalakad sa gilid ng nasabing Ilog.. ang kanilang tirahan ay matatagpuan sa ilalim ng ilog kung asan andon ang kanyang amang hari na kasalukuyang may sakit at mukhang wala ng lunas.. umiiyak ang magandang diwata dala ng dalamhati na kanyang maysakit na ama..Pero wala syang kinalaman sa kwento ko.. kaya ang pagtutuunan na lang natin ng pansin ay si Mang Kanor.. eto ang storya na nilikha base sa mga huntahan kasaysayan asaran lambingan ng mga miyembro ng grupong TLKK. :)
EPISODE 1
Welcome to the World..
Kaaaaaaaaaannnnnnnnorrrrrrrrrr! Manganganak na ata ako! ang sigaw ni Aling Perla habang nagpipilit na indahin ang sakit na nararamdaman. Naku naman babes, tiisin mo at tatawag agad ako ng Trikes! nagmamadaling bumangon si Mang Jhon Kanor at dali daling nag-abang sa kanto ng Mataas na lupa para mag abang ng unang dadaan na trikes. (si Jhon Kanor... wag kayong magkakamali na sya ang Pinuno ng Resistance sa Terminator iba po yun sya ang ama ng ating bida). dahil disoras ng gabi, agad namang naka kita ng trikes si Mang Jhon kahit na alam nyang masama ang loob nito dahil alam nya na sa mga oras na yun e tumataas ang gasolina at nagmamahal ng singil ang mga tricycle Drivers. pero no choice kaya kailangan nyang isakay si Aling perla para madala sa pinakamalapit at murang Hospital..
isinugod si Aling Perla sa Ospital ng Granja. masasabing ito na ang pinaka murang maningil na ospital noong araw kasi maliban sa mga students pa ang mga doktor dito may posibilidad din na di ka na makalabas ng buhay dito. pagdating nila sa Ospital agad namang naipasok sa ER si Aling Perla.. hindi pinayagan si Mang Jhon na pumasok sa ER kasi naka Spartan lang kasi sya.. may karatula kasi sa labas na "Only Havaianas Slippers are allowed!" kaya no choice nag abang na lang sya sa labas.. halos 5 oras ding nag labor si Aling Perla.. ilang oras din syang nakipaglaban sa kamatayan para lang mailuwa ang di mapakaling sanggol sa loob ng kanyang sinapoponan.. ilang ire pa at... Waaaaaaaahhhhhhhhhh!!! uwaaaaaa.. isang malusog na sanggol na naman ang magpapasikip sa napakagulong mundo. maya maya pa ay lumabas na ang duktor para hanapin ang Ama ng bata at ibalita ang magandang balita.. hindi makita ng doktor si Mang Jhon sa compound ng hospital kaya tinanong ng doktor sa security guard kung may nakita syang lalaking nakatambay don kanina na nagsugod ng buntis.. "Naku dok lumabas ho. andon ho sa tapat bahay natin yun hong may burol. tataya lang daw ho kasi may pa Baklay don.." ang sabi ng aantok antok na gwardya.. aba e pakitawag mo at sabihin mo eh nanganak na asawa nya!! mabilis naman sumunod ang aantok antok na sekyu.. ilang sandali pa.. nagmamadaling tumakbo ang sugarol na Ama sa ospital.. Dok dito na ho ako. sensya na nagpatanggal lang ho ng inip! musta na ho asawa ko? Mr. Magbungkal congratulation its a Baby Boy! halos maluha luha si Mang Jhon sa galak... kaya dali dali nyang tinakbo ang kwarto ng kanyang mag ina.. Kanor! ang pogi ng anak natin.. mana sa mommy :)) napangiwi na lang ang bagong tatay habang nakatitig sa sanggol.. Aba eh pogi nga are! bata pa may hitsura na.. kahawig nya si idol.. si James Bong! Huh? Sinong James Bong? ang pabalik na tanong na medyo nahurindat sa paghahawig sa kanilang sanggol.. Si ano, si siro-siro-seben. yung ang intro lagi eh naglalakad na naka america tapos binaril yung telescope! Aaahhhhhhhhhh Shunga ka! di naman si James Bong yun..si ano yun James Bawnd.. puro ka talaga kalokohan Kanor! mamaya babalik dito yung nurse para itala ang name ng bata.. anong ipapangalan natin sa kanya? ang tanong ni Aling Perla. Ahhhmmmm Junior ayaw mo? ang sumbat naman ni mang Jhon. Wala na bang iba? bawi naman ng asawa.. umay na ako sa pangalan mo eh :) o sige, tutal hawig naman sya kay James Bone ipangalan na lang natin sa tunay na pangalan ng Artista.. Oo nga tutal hawig naman sya don yun na nga lang.. sabay halik ng ama at bulong sa natutulog na sanggol..
Welkam to da world... Shawn Kanory Magbungkal :)
EPISODE 2
The new Beginning
Halos di rin nakatulog magdamag si Mang Jhon dahil sa tuwang nadama. andon lang sya sa tabi ng kanyang mag ina. pero maguumaga na kailangan na nyang lisanin ang ospital dahil kinakailangan nyang kumayod.. kahit pagod at puyat kailangan nyang magtrabaho lalo na ngayon at andyan na si Shawn kailangan nyang maibili kahit man lang konting kagamitan na magagamit paguwi ng kanyang magiina. Babes, aalis na muna ako ikaw na ang bahala kay Shawn.. ang paalam ni Kanor sa kanyang asawa. Ok beh.. ingat ikaw. Simpleng tao lang si Mang Jhon, maliit man ang kanilang bahay, may sarili silang maliit na sari sari store na minamanage ni Aling perla. nakaka ahon sila sa hirap sa abilidad ng pagtitinda ng Taho sa umaga at mag babalot naman sa gabi. masipag si Mang Jhon sa katunayan, ang Route nya ng pagtitinda ng Taho ay nagsisimula lagi sa Bus stop papuntang CM Recto deretsong Sabang hanggang sa P. Laygo. pag sinipag pa sya lalo dederetsuhin na nya ang kahabaan ng sabang hanggang City Hall. mayroong pansitan malapit sa Munisipyo kaya kung nakakabenta sya bago mag tanghalian swerte kung wala naman, babaybayin na nya ang buong Ayala Highway para ipagpatuloy ang paglalako ng Taho. sasadyain nya talaga ang SM hanggang South Supermarket hanggang sa makabalik na uli sa busstop. matinde. ganon pa man, kinaya nyang tiisin ang hirap at pagod lalo na ngayon.. andyan na si Kanory.
Taaaaaahhhhhhoooooooooo!! taaaaaaaaaaahhhhhhhoooooooo!! ang sigaw ng halos na di namamaos na maglalako.. Inspired kasi eh." kailangan makarami ako ngayong araw na to! makabili man lang ako ng stuff toy para kay utoy!" kaya mas lalo na lang nyang binilisan ang paglalakad dahil sa mga naghihintay pang suki nya sa araw araw.. halos abutin na ng hapon sa paglalako ni Mang Jhon. umuwi muna sya sa kanila para maligo at bilangin ang kanyang pinamilhan. medyo madami akong nabenta ngayon! habang kinukwenta nya ang sobrang kinita na pambibili sana ng laruan.. kaya dumeretso na sya sa Palengke para bumili ng stuff toy na tumutunog ng twingkle twingkle. paderetso na sya ng ospital ng biglang harangan ng 5 masasamang loob.. "Dre mukhang naka Jackpot tayo ngayon ah.." ang sabi ng isang Goon na naka bonnet. "oo bagong shopping to eh". gatong naman ng isa. "Pare kung ayaw mong masaktan, ibigay mo na lang ang dapat mong ibigay at makaka alis ka na.." dahil sa takot at kaba na nadama ni Mang Jhon naglakas loob pa rin syang sumagot dahil alam nyang kung ibibigay nya LAHAT, means pati stuff toy ni Kanory ay mapapabigay din.. "WALA KAYONG MAHIHITA SA AKIN MGA JOLOGS! mga naka Maskara pa kayong Lima ano kayo Jabbawokees? humanap na lang kayo ng ibang mahoholdap nyo at wala akong panahon sa inyo nagmamadali ako at gutom na ang magina ko! Hindi nagustuhan ng isang holdaper na halatang kababatak ang sagot ng nagmamatigas na hinoholdap kaya pumuwesto ito sa likod at bigla na lang inumbag ng inam! Pak! isang solid na upak ang tumama sa may parteng batok ni Mang Jhon na sya namang ikinatumba nito sa hilo. pinagtatadyakan ng 5 goons ang pobreng mama.. nung mapagod na ang lima agad naman nilang kinuha ng mga to ang wallet ni Mang Jhon. at nang bulatlatin ng pinuno ang wallet.. "BENTE PESOS???" anak ng bakang baog! ano ga iyan.. sa sobrang inis ng isang adik bumunot ito ng balisong at walang awang pinagsasaksak ang pobreng si Mang Jhon.. duguan syang iniwan ng 5 demonyo. pero nagpumilit na bumangon si Mang Jhon hawak ang stuff toy na ireregalo sa kanyang anak.. pinilit na lakarin ang kahabaan ng granja para makarating lang sa ospital. kataka takang sa mga sandaling iyon eh halos walang katao tao sa mga kalye at wala ring masyadong sasakyan. unti unting nagdidilim ang paningin nito, pero nilalabanan nya pa rin para makarating sa ospital. pag dating nya sa harapan ng ospital bigla na lang syang bumagsak at pinilit na ginapang ang main entrance ng ospital na sya namang nakita ng mga naka duty na nurse na kasalukuyang nag totongits. agad na isinugod sa ER si Mang Jhon pero bago sya malagutan ng hininga ibinulong nya sa isang nurse ang huling bilin nya "Pakibigay sa anak ko tong Stuff toy!" andon sila sa room 501. at tuluyan ng binawian ng buhay si Mang Jhon..
Walang kamalay malay si Aling Perla na nasa room 501 na kasalukuyang natutulog. ng biglang kumatok ang nurse sa kanyang kwarto.. tok! tok! .. kayo po ba si Ka Perla? ang malungkot na tanong ng nurse sa ale.. ahhhmmm opo bakit po may checkup po ba ako ngayon? lalabas na po ba ako bukas ang tanong nya.. ' Malapit na po kayong lumabas ka Perla.. pero andito po ako para iabot sa inyo itong stuff toy para sa anak nyo...' uy, salamat utoy! nag abala ka pa... 'Ahmmm galing po ito sa asawa nyo..' huh? kay Kanor? e bat di man lang sya dumaan dito? sabi nya babalik sya.. Napaluha na lang ang nurse at nangangatal na sinabi na.. 'Ka Perla, patay na po ang Asawa nyo.. nasaksak ho kanina bago po pumunta dito dyan po sya binawian ng buhay sa harap ng ospital..' Halos di makapaniwala si Aling Perla sa kanyang narinig.. kaya napasigaw na lang sya.. "DIYOOSSSSS KOOOO BAKIT PO??? BAKIT PO??? " halos himatayin si Aling Perla sa kakaiyak... wala na ang asawa nya.. wala na ang masipag at palabirong asawa.. pero alam nyang hindi sya dapat sumuko.. alam nyang kung nabubuhay pa si Mang Jhon. di ito papayag na titigil na lang.. kakayanin nya to. alam nyang mahirap na pagsubok ang pagdadaanan nya pero kakayanin nya to. at isa na lang ang natitira nyang pagasa sa buhay.. si Kanory..
EPISODE 3
Aling Perla & her Friend
Halos 20 taon na ang nakalipas noong mangyarri ang masalimuot na pagkaka patay kay Mang Jhon. nagpatuloy ang buhay ng Mag ina. Binata na rin si Shawn.. di na rin nakapag tapos ng pagaaral si Kanor dahil sa hirap ng buhay. asa 3rd year Highschool sya sa Mabini Academy nung tuluyan ng tumigil. bagama't nagiisang anak, lumaking spoiled brat ito kay Aling Perla.. pero mabait at masunurin naman ito..kaya mas pinili nyang tulungan na lang ang kanyang ina sa paghahanap buhay. at dahil sa pogi at artistahin talaga tong si Kanor totoong madaming babae ang nagkaka crush dito pero di nya pinapansin ang mga chikababes na yun. priority nya ang kanyang nanay. ipinagpatuloy ni Kanor ang hanap buhay ng hindi nya nakilalang ama. ang pag tataho. Aannnnaaakkkkk bangon na tanghali na! ang palahaw ni Aling Perla habang kinakatok ang kwarto ng anak. ano ho bang oras na? ang sagot ng binatang hindi pa ata nakakabalik ang kaluluwa sa sariling katawan. 'Alas 6 na ng umaga! gayak na ikaw anak at baka wala kang mabenta ngayon!' anak ng.. alas sais ng umaga tanghali na? ganon lang siguro ka advance si Aling Perla. kaya gaya ng nakagawian nya. pag kaka gising sa anak deretso na sya sa labas ng bahay nila habang nagwawalis sa kanilang bakuran at inaabangan ang kanyang Mortal Enemy si Aling Donnabel pero kahit kaaway e paborito din naman nyang kakwentuhan ang nagiisang kahanggan.
"E di ganon na nga, Bumili na kami ng Gemini TurnTable sa New Life"
"Hay naku mare, ang yaman nyo na talaga!"
"Hindi naman..."
"Hindi naman talaga Mareng Donnabel, syempre alam ko yun. Sa totoo lang mas mahal ang Technics Turntable na pinadala sa akin ng Bayaw ko sa Italy"
"Talaga lang ha.."
ang Yabangan ng mga Lipenya ay madalas nauuwi sa tawanan. pero wag ka at sa sandaling sabay sabay na pumikit ang mga tao eh nagagawa ng dalawa na magkalmutan na parang mga pusa. at sa loob ng 3 seconds nakangiti na uli ang dalawa na parang walang nangyari..
"Nga pala Mareng Perly, musta naman yung double cassette tape mo na nasa sanglaan, natubos mo na ba?"
"Naku mareng donnabel, hinayaan ko na tutal luma na naman yun. E yung Colored TV nyo? balita ko nasa repair shop huh.. buti di lumalabo mga mata nyo unlike sa amin na naka LCD na.."
"Anla mare, e ang mahal naman ng bili ng kumpare mo noon sa Saudi. Matibay naman yun kasing tibay ng Hitachi VCD player namin."
"Oh c,mon! VCD Player?? ibig mong sabihin wala pa kayong DVD player???
"Mer..... ummmmm, wala! so what?? Bakit kayo ga?!"
"Syempre meron!"
"Meron na kayo???"
"Meron na kaming balak bumili pag lumaki kita ni Kanor!"
"Ahahahhaha Asa ka.. bibili kayo ng DVD player galing sa binebentang TAHO ni Kanor? shadddapp!"
"Yabang neto.."
"Musta naman ang tyan mo mareng Donnabel, tindi din ni Pare no tuwing umuuwi galing saudi pag alis iiwanan ka ng sanggol parang nagiiwan lang ng souvenir eh :))"
"Oo nga eh.. yae na atleast alam kong sabik na sabik sya sa akin pag nauwi sya.."
"kow... e di siguradong paglabas nyan katakot takot na picture taking na naman gagawin nyo!"
"So siguro naman may Niikon D60 ka na? kasi si Kanor pinadalhan ng tiyuhin nya ng bagong Reflex!"
"Mare sa totoo lang, Laos na ang mga reflex eh.. nakakatakot ng gamitin at baka may mga side effects na!
"Huh"
"Bibili na lang daw si Pare mo ng Video Camera pagbalik galing Saudi. ipapapa package na lang daw nya. dapat nga bibili na kami kanina sa Simplicity eh kaso sabi nya mas maganda nga raw sa Saudi ang mga DigiCam. pero napagkasunduan naman namin na di namin pahahawakin ng Sony Handycam si bunso hanggat di tinutubuan ng bag-ang. ayaw naman naming lumaki si bunso na alam nya na galing sya mayamang pamilya.. "
Ganyan ang Eksena sa Mataas na Lupa kung saan nakatira sila kanor. sa ganong tagpo massasabing buo na ang Araw ni Aling Perla makausap lang ang kanyang Kapitbahay. gustong gusto talaga nila ang naguusap at nagpapayabangan tuwing umaga. pero pareho naman sila laging may kabog sa dibdib, takot na baka sa susunod na tanong e di nila matapatan ang basag sa isat isa..
Episode 4
Kanor & the Bad guys
Maagang bumangon si kanor bagamat napaaga sya ng tulog kagabi. inisip nya na kailangan nyang makabenta ng marami para may pang UNLI TxT sya sa kanyang childhood puppy love. (saka ko na ipapakilala sa inyo ito). hindi nya rin maintindihan ang sarili pero ang alam nya sya ay sobrang excited nung araw na yun kahit na di naman nya alam ang mangyayari.. kaya sya na mismo ang gumising sa kanyang Ina para ihanda ang taho na paninda..
"Mommy!!! bangon na!! tanghali na!"
habang may kasamang pag umis habang kinakatok ang kwarto ng ina.. maya maya pa ay bumangon na si Aling perla.
"Ano kamo?"
"sabi ko po Mommy Bangon na!"
"e kung ginagarute kaya kita dyan? may pa mommy mommy ka pa ngayong nalalaman"
"saan ba ang Hada mo at ang aga mo ata ngayon?"
"wala ho nay magkikita lang po kami ng KAIBIGAN ko mamaya kailangan makauwi agad.. "
"ah ay sya basta pag nakabenta ka umuwi ka na agad dito at kailangan nating bumili ng Gasul"
"opo moom..... inay!"
Agad namang inihanda ni Aling perla ang ilalakong taho sa araw na yun.. at naligo na ang ating bida.
"Check ko muna ang mga gadgets ko bago sumabak!" ang sabi ni Kanor sa sarili..
"Mp3 player - Check, Cellphone - check, Suklay - check, cologne - check, twalya - check, extra shirt - check"
Im ready to go!! habang nakikipagusap sa salamin sabay kindat..
"Nay aalis na ho ako!" ang paalam ng anak sa kanyang ina na sa mga oras na yun ay busyng busy na sa pakikipagkwentuhan kay Aling Donnabel.. lumarga na si Kanor sabay play ng mp3 player nya. ang track, Eye of the Tiger..
habang binabaybay nya ang Mataas na Lupa papuntang bayan, andon na naka abang ang mga batang suki nya araw araw.. kaya naman di na zezero si Kanor. dahil sa kasagsagan ng araw. naisip nyang mag shortcut na lang sa may Barangay 2 para madali syang makarating sa Palengke para maglako kaya naman lumiko na sya sa May Cultural at nag ronda ng konti sa may Basang hamog.. Takot si Kanor sa lugar ng Barangay 2 bukod sa maraming Bad Boys don, mahihirapan kang makawala sa kanilang teritoryo dahil sa masisikip na iskinita don.. pero binalewala nya to. nung naglalakad na sya sa iskinita di nya namalayan na may sumitsit sa kanya.. PSSSTTT TAHOO!! sigaw ng isang pamilyar na boses.. lumingon sya at nung makita nya kung sino, si Konsehal Joey Boy! ang kilabot ng Brgy 2.
"yari na naman ako nito anak ng teteng.." ang bulong ni Kanor sa kanyang sarili..
"Toy pabili nga ng taho 5 piso" sabi ni Konsehal.
"Yes ser!" sabay bunot sa plastic nyang baso..
"Teka teka.. ano yan?"
"baso?"
"alam kong baso yan! umbagin kita eh.. wag mong sabihing dyan mo ilalagay ang 5 pisong taho??"
"e joey boy ganito lang ang size ng mga baso ko eh"
"ahhh teka.."
pumasok saglit ng bahay si Joey boy at pagbalik inabot ang GA-TABO nyang baso..
"punuin mo na lang at pakidagdagan ng sago!"
"pupunuin ko tong ga tabo mong baso?!?"
"bakit ayaw mo?"
sabay may panlilisik ng mata na para bang nagsasabing pag umangal pa to eh ay may paglalagyan na ang kawawang magtataho..
"Wala naman.. para ngang ang liit ng baso mo ngayon eh! heheheh"
walang nagawa si kanor kundi sumunod na lang sa gusto ni Joey Boy. para syang batang paiyak na inagawan ng laruan nung mga oras na yun.. nung makalaya na sya sa pugad ng mga Astig. pinagpatuloy na nya ang pagtahak sa mga iskinita.
sa di kalayuan ay natanaw nya ang isang galit na galit na Binata habang binubogbog ang walang kalaban laban na matanda na naka subsob na sa lupa at patuloy na pinagtatadyakan.. na badtrip si Kanor. ibinaba ang kanyang panindang taho. at nakatitig sa binatang walang awa. kumunot ang kanyang mga noo sabay ikom sa kanyang dalawang kamao.. at sabay sabing "malas mo at napadaan ako dito.. kailanman ay hindi pinapatulan ang matatandang walang kalaban laban" at sumugod na si kanor para ipagtanggol ang binubugbog na matanda..
mercoledì 7 settembre 2011
martedì 6 settembre 2011
Ang Kasalanan Ko
Kung hindi mo mabasa ang isang tao, basahin mo ang mga sinusulat nya. Doon mo sya makikilala. Doon mo malalaman ang tunay na nararamdaman nya, ang tunay na iniisip nya at ang mga katotohanang maski sya eh walang kakayanang sabihin.
Ito yung sumasalamin sa tunay nyang pagkatao. Dito mo mararamdaman ang damdaming pilit nyang itinatago dahil sa takot at kung anupamang mga bagay na nagsasabi sa kanyang "hindi pwede, hwag na lang".
Baka tama ka. Wala naman sigurong dahilan para maging magkaibigan tayo. Wala akong mabuting naidudulot sa iyo. At puro sakit lang din naman ang naibibigay mo sa akin. Pwedeng hindi mo sinasadya, pero yun ang nangyayari. Kahit anong pilit nating ayusin at linyahan ang pagkakaibigang blurred sa paningin natin pareho, wala na talaga yata tayong magagawa. Baka nga hindi meant. Walang saysay. Isa na naman sa milyun-milyong bagay sa buhay natin na may label na "walang sense".
Hindi mo ako kailangan pakinggan. Isa pa, hindi ko kailangan magsalita para marinig mo ako. What's the point? Iba ang tingin mo sa akin. At hinding-hindi magbabago yun. Noong una pa lang, ganito na tayo. Walang pinupuntahan. Tsamba lang na matatawag kung may patunguhan man ang mga mabababaw nating mga usapan.
Laging tungkol sa past. Past mo at past ko. Yung present? Kebs. Bahala na. Basta, nandyan ka, nandito ako. Parehas nating tine-take for granted ang presence ng isa't-isa. Tayo yung isa sa maraming rason kung bakit naimbento yung phrase na "wala lang".
Dito tayo nagsimula. Dito rin tayo magtatapos.
Alam kong hindi ka Tanga. Alam mong mahal kita. Kahit ilan pa man ang dumaan dyan, kahit ipakita ko pa at ipangalandakan sa harap mong iba ang gusto ko, hindi maikakaila sa bawat kilos, bawat salita at bawat iniisip ko na ikaw ang mahal ko.Ngayon, naniniwala ka na? Di ba noong una pa lang, sinabi ko na sayong kung itatabi mo ako sa magaling mong bf, eh magmumukha lang syang anghel? Lahat ng ginawa nya't mga nangyari sa inyo ay magmimistulang intro pa lang ng mga katarantaduhang pinasok ko.
Maraming hindi nakakaalam. Pero ikaw, alam mo yun.December last year. Dahil ginusto na lang kitang saktan, sa pag-aakalang ganun lang din ang gusto mong gawin sa akin.
Akala ko hindi na babalik yung kung anuman yung meron sa atin, pero after ilang months lang, I found my way out from the most stupid decision that I made. I became free. Pero natakot pa rin akong muli kang lapitan, puntahan at mahalin.
Bakit?
Dahil nakatatak sa akin kung gaano ka kalabo mag-isip. Na hindi ko naiintindihan ang bawat galaw mo. Na hindi ko nasasakyan ang bawat iniisip mo. May ilang nakakaalam. Takot akong amining mahal nga kita. Dahil hindi naman ikaw yung pinlot-out kong mahalin. Hindi ikaw yung tipong ginusto kong makasama.
Pero wala akong magagawa. Ang cheesy pakinggan, pero hindi mo nga pala kayang diktahan ang puso. Hindi talaga. Kaya I did everything para ilayo ang sarili ko sayo. Ang makipaglandian sa ibang babae sa harap mo. Ang manligaw at manuyo ng iba habang nanonood ka.Double your chances of winning, ika nga. Malay mo, sa kaka-trial and error ko, makalimutan ko yung nabubuong pagmamahal ko sayo.
Kaya lang hindi. Hindi talaga.
I showed you the good side and the bad side. Pero aminin mo man o hindi, hindi mo masisikmura kung ano ako. Kung ano ang kayang gawin. Kung gaano kita gayang saktan. Ang takot na yun ang nagdidikta sa aking hindi talaga. At yun din mismo yung bumubulong sayong gago ang lahat ng lalaki.
Mali.
Ikaw pa rin yung nag-iisang batang babaeng sugatan na ginusto kong alagaan, mahalin, at yakapin. Ikaw yun. Pero mas mabuti na ring ganito.
Hanapin mo kung ano yung makakapagpasaya sayo. Hanapin mo yung makakapagpatahan sa pag-iyak mo. Hindi ako yun.
Pero for the last time, aaminin ko sayong mahal na mahal kita.
Para pang nang-aasar yung putanginang istayon ng radyo sa taxi, dahil sa kabila ng pagbibilang ko ng mga posteng dinadaanan natin, sa dinami-dami ng mga kantang pwede nyang patugtugin, yun pa yung napag-trip-an nya.
Kung inakala mong wala lang sakin lahat ng nangyari, nagkamali ka. Nung tinanong kita kung wala lang yun para sayo, para mo na rin akong tinarakan dahil sa sagot mo. Gago lang talaga ako. I keep on falling sa mga maling babaeng katulad mo.
Confession To God
Amang Banal na Makapangyarihan sa lahat may gusto po sana akong itanong sa inyo, Bakit ka ba ganyan? Ilang beses na kitang inagrabyado, hindi ka pa rin nagsasawa. Ilang beses na kitang nilapastangan, dinungisan at nilayasan, nandyan ka pa rin. Hindi ka pa rin naggi-give up. Hindi na mabilang yung mga times na niyurakan ko lahat ng mga ginagawa mo sa akin. Ilang beses ko na rin bang tinake for granted ang mga sinasabi mo. Halos araw-araw ko rin lang naman inuulit ang mga ginagawa kong kasalanan sayo. Ang martir mo naman. Hindi mo ba talaga ako titigilan? Hindi mo ba talaga ako tatantanan? Bakit hindi ka man lang umalma? Bakit hindi mo ako sipain, sapakin at saktan? Lagi ka lang nandyan, bukas ang kamay na tinatanggap ako sa tuwing bumabalik ako’t umiiyak na patawarin mo. Sorry ako nang sorry, pero pagkatapos ayan na naman. Nagiging cycle lang lahat. Ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko. Feeling ko ang kapal-kapal na ng mukha kong mag-demand pa sayo ng kung anu-ano. Pero ito ka, sige lang, bigay lang ng bigay. Salamat Ama. Maraming Salamat at Patawad.
Bakit ka ganyan? Parang nang-aasar ka pa. Instead na parusahan mo ako, binigay mo pa sa akin ang isa sa mga anghel mo. Wala ka pa ring iniisip kundi ang kasiyahan ko. Ang kapakanan naming lahat. Sige, akala mo tatanggihan kita? Kung anu ang ibibigay mo, tatanggapin ko, aalagaan. Kahit dito man lang, maipakita ko sayo kung gaano ako ka-thankful sa lahat. Sa lahat-lahat. Astig ka. Wala kang katulad. Sana balang-araw makabawi ako sa lahat ng kabutihan mong pinamamalas sa akin.
Ang dami kong ginawang kasalanan, ang sarap lang pakinggan ng mga salitang, "I absolve you from your sins,in the name of Lord Jesus Christ..". Kung tao lang ang magpaparusa, baka na-lethal injection na ako nyan. Pero sayo, ano ang kapalit? Ang kausapin ka lang ng mas madalas.
Alam ko may Yahoo! Messenger ka dyan. Kahit anong oras, on-line. Hayaan mo, at dahil na add na kita sa Puso ko dnt worry lagi kitang ibu-buzz pag naliligaw na ako. paramdam ka po ha. :D
Amen
Iscriviti a:
Post (Atom)