Noong unang panahon, Sa isang sulok ng ilog ng Balete ay may nakatirang isang Diwata. meron syang katangian na totoong kabigha bighani sa paningin ng tao.. maganda sya, matangos ang ilong, meron syang mahabang buhok, medyo maputi, may maliit na pakpak, malungkot ang dalagang diwata na naglalakad sa gilid ng nasabing Ilog.. ang kanilang tirahan ay matatagpuan sa ilalim ng ilog kung asan andon ang kanyang amang hari na kasalukuyang may sakit at mukhang wala ng lunas.. umiiyak ang magandang diwata dala ng dalamhati na kanyang maysakit na ama..Pero wala syang kinalaman sa kwento ko.. kaya ang pagtutuunan na lang natin ng pansin ay si Mang Kanor.. eto ang storya na nilikha base sa mga huntahan kasaysayan asaran lambingan ng mga miyembro ng grupong TLKK. :)
EPISODE 1
Welcome to the World..
Kaaaaaaaaaannnnnnnnorrrrrrrrrr! Manganganak na ata ako! ang sigaw ni Aling Perla habang nagpipilit na indahin ang sakit na nararamdaman. Naku naman babes, tiisin mo at tatawag agad ako ng Trikes! nagmamadaling bumangon si Mang Jhon Kanor at dali daling nag-abang sa kanto ng Mataas na lupa para mag abang ng unang dadaan na trikes. (si Jhon Kanor... wag kayong magkakamali na sya ang Pinuno ng Resistance sa Terminator iba po yun sya ang ama ng ating bida). dahil disoras ng gabi, agad namang naka kita ng trikes si Mang Jhon kahit na alam nyang masama ang loob nito dahil alam nya na sa mga oras na yun e tumataas ang gasolina at nagmamahal ng singil ang mga tricycle Drivers. pero no choice kaya kailangan nyang isakay si Aling perla para madala sa pinakamalapit at murang Hospital..
isinugod si Aling Perla sa Ospital ng Granja. masasabing ito na ang pinaka murang maningil na ospital noong araw kasi maliban sa mga students pa ang mga doktor dito may posibilidad din na di ka na makalabas ng buhay dito. pagdating nila sa Ospital agad namang naipasok sa ER si Aling Perla.. hindi pinayagan si Mang Jhon na pumasok sa ER kasi naka Spartan lang kasi sya.. may karatula kasi sa labas na "Only Havaianas Slippers are allowed!" kaya no choice nag abang na lang sya sa labas.. halos 5 oras ding nag labor si Aling Perla.. ilang oras din syang nakipaglaban sa kamatayan para lang mailuwa ang di mapakaling sanggol sa loob ng kanyang sinapoponan.. ilang ire pa at... Waaaaaaaahhhhhhhhhh!!! uwaaaaaa.. isang malusog na sanggol na naman ang magpapasikip sa napakagulong mundo. maya maya pa ay lumabas na ang duktor para hanapin ang Ama ng bata at ibalita ang magandang balita.. hindi makita ng doktor si Mang Jhon sa compound ng hospital kaya tinanong ng doktor sa security guard kung may nakita syang lalaking nakatambay don kanina na nagsugod ng buntis.. "Naku dok lumabas ho. andon ho sa tapat bahay natin yun hong may burol. tataya lang daw ho kasi may pa Baklay don.." ang sabi ng aantok antok na gwardya.. aba e pakitawag mo at sabihin mo eh nanganak na asawa nya!! mabilis naman sumunod ang aantok antok na sekyu.. ilang sandali pa.. nagmamadaling tumakbo ang sugarol na Ama sa ospital.. Dok dito na ho ako. sensya na nagpatanggal lang ho ng inip! musta na ho asawa ko? Mr. Magbungkal congratulation its a Baby Boy! halos maluha luha si Mang Jhon sa galak... kaya dali dali nyang tinakbo ang kwarto ng kanyang mag ina.. Kanor! ang pogi ng anak natin.. mana sa mommy :)) napangiwi na lang ang bagong tatay habang nakatitig sa sanggol.. Aba eh pogi nga are! bata pa may hitsura na.. kahawig nya si idol.. si James Bong! Huh? Sinong James Bong? ang pabalik na tanong na medyo nahurindat sa paghahawig sa kanilang sanggol.. Si ano, si siro-siro-seben. yung ang intro lagi eh naglalakad na naka america tapos binaril yung telescope! Aaahhhhhhhhhh Shunga ka! di naman si James Bong yun..si ano yun James Bawnd.. puro ka talaga kalokohan Kanor! mamaya babalik dito yung nurse para itala ang name ng bata.. anong ipapangalan natin sa kanya? ang tanong ni Aling Perla. Ahhhmmmm Junior ayaw mo? ang sumbat naman ni mang Jhon. Wala na bang iba? bawi naman ng asawa.. umay na ako sa pangalan mo eh :) o sige, tutal hawig naman sya kay James Bone ipangalan na lang natin sa tunay na pangalan ng Artista.. Oo nga tutal hawig naman sya don yun na nga lang.. sabay halik ng ama at bulong sa natutulog na sanggol..
Welkam to da world... Shawn Kanory Magbungkal :)
EPISODE 2
The new Beginning
Halos di rin nakatulog magdamag si Mang Jhon dahil sa tuwang nadama. andon lang sya sa tabi ng kanyang mag ina. pero maguumaga na kailangan na nyang lisanin ang ospital dahil kinakailangan nyang kumayod.. kahit pagod at puyat kailangan nyang magtrabaho lalo na ngayon at andyan na si Shawn kailangan nyang maibili kahit man lang konting kagamitan na magagamit paguwi ng kanyang magiina. Babes, aalis na muna ako ikaw na ang bahala kay Shawn.. ang paalam ni Kanor sa kanyang asawa. Ok beh.. ingat ikaw. Simpleng tao lang si Mang Jhon, maliit man ang kanilang bahay, may sarili silang maliit na sari sari store na minamanage ni Aling perla. nakaka ahon sila sa hirap sa abilidad ng pagtitinda ng Taho sa umaga at mag babalot naman sa gabi. masipag si Mang Jhon sa katunayan, ang Route nya ng pagtitinda ng Taho ay nagsisimula lagi sa Bus stop papuntang CM Recto deretsong Sabang hanggang sa P. Laygo. pag sinipag pa sya lalo dederetsuhin na nya ang kahabaan ng sabang hanggang City Hall. mayroong pansitan malapit sa Munisipyo kaya kung nakakabenta sya bago mag tanghalian swerte kung wala naman, babaybayin na nya ang buong Ayala Highway para ipagpatuloy ang paglalako ng Taho. sasadyain nya talaga ang SM hanggang South Supermarket hanggang sa makabalik na uli sa busstop. matinde. ganon pa man, kinaya nyang tiisin ang hirap at pagod lalo na ngayon.. andyan na si Kanory.
Taaaaaahhhhhhoooooooooo!! taaaaaaaaaaahhhhhhhoooooooo!! ang sigaw ng halos na di namamaos na maglalako.. Inspired kasi eh." kailangan makarami ako ngayong araw na to! makabili man lang ako ng stuff toy para kay utoy!" kaya mas lalo na lang nyang binilisan ang paglalakad dahil sa mga naghihintay pang suki nya sa araw araw.. halos abutin na ng hapon sa paglalako ni Mang Jhon. umuwi muna sya sa kanila para maligo at bilangin ang kanyang pinamilhan. medyo madami akong nabenta ngayon! habang kinukwenta nya ang sobrang kinita na pambibili sana ng laruan.. kaya dumeretso na sya sa Palengke para bumili ng stuff toy na tumutunog ng twingkle twingkle. paderetso na sya ng ospital ng biglang harangan ng 5 masasamang loob.. "Dre mukhang naka Jackpot tayo ngayon ah.." ang sabi ng isang Goon na naka bonnet. "oo bagong shopping to eh". gatong naman ng isa. "Pare kung ayaw mong masaktan, ibigay mo na lang ang dapat mong ibigay at makaka alis ka na.." dahil sa takot at kaba na nadama ni Mang Jhon naglakas loob pa rin syang sumagot dahil alam nyang kung ibibigay nya LAHAT, means pati stuff toy ni Kanory ay mapapabigay din.. "WALA KAYONG MAHIHITA SA AKIN MGA JOLOGS! mga naka Maskara pa kayong Lima ano kayo Jabbawokees? humanap na lang kayo ng ibang mahoholdap nyo at wala akong panahon sa inyo nagmamadali ako at gutom na ang magina ko! Hindi nagustuhan ng isang holdaper na halatang kababatak ang sagot ng nagmamatigas na hinoholdap kaya pumuwesto ito sa likod at bigla na lang inumbag ng inam! Pak! isang solid na upak ang tumama sa may parteng batok ni Mang Jhon na sya namang ikinatumba nito sa hilo. pinagtatadyakan ng 5 goons ang pobreng mama.. nung mapagod na ang lima agad naman nilang kinuha ng mga to ang wallet ni Mang Jhon. at nang bulatlatin ng pinuno ang wallet.. "BENTE PESOS???" anak ng bakang baog! ano ga iyan.. sa sobrang inis ng isang adik bumunot ito ng balisong at walang awang pinagsasaksak ang pobreng si Mang Jhon.. duguan syang iniwan ng 5 demonyo. pero nagpumilit na bumangon si Mang Jhon hawak ang stuff toy na ireregalo sa kanyang anak.. pinilit na lakarin ang kahabaan ng granja para makarating lang sa ospital. kataka takang sa mga sandaling iyon eh halos walang katao tao sa mga kalye at wala ring masyadong sasakyan. unti unting nagdidilim ang paningin nito, pero nilalabanan nya pa rin para makarating sa ospital. pag dating nya sa harapan ng ospital bigla na lang syang bumagsak at pinilit na ginapang ang main entrance ng ospital na sya namang nakita ng mga naka duty na nurse na kasalukuyang nag totongits. agad na isinugod sa ER si Mang Jhon pero bago sya malagutan ng hininga ibinulong nya sa isang nurse ang huling bilin nya "Pakibigay sa anak ko tong Stuff toy!" andon sila sa room 501. at tuluyan ng binawian ng buhay si Mang Jhon..
Walang kamalay malay si Aling Perla na nasa room 501 na kasalukuyang natutulog. ng biglang kumatok ang nurse sa kanyang kwarto.. tok! tok! .. kayo po ba si Ka Perla? ang malungkot na tanong ng nurse sa ale.. ahhhmmm opo bakit po may checkup po ba ako ngayon? lalabas na po ba ako bukas ang tanong nya.. ' Malapit na po kayong lumabas ka Perla.. pero andito po ako para iabot sa inyo itong stuff toy para sa anak nyo...' uy, salamat utoy! nag abala ka pa... 'Ahmmm galing po ito sa asawa nyo..' huh? kay Kanor? e bat di man lang sya dumaan dito? sabi nya babalik sya.. Napaluha na lang ang nurse at nangangatal na sinabi na.. 'Ka Perla, patay na po ang Asawa nyo.. nasaksak ho kanina bago po pumunta dito dyan po sya binawian ng buhay sa harap ng ospital..' Halos di makapaniwala si Aling Perla sa kanyang narinig.. kaya napasigaw na lang sya.. "DIYOOSSSSS KOOOO BAKIT PO??? BAKIT PO??? " halos himatayin si Aling Perla sa kakaiyak... wala na ang asawa nya.. wala na ang masipag at palabirong asawa.. pero alam nyang hindi sya dapat sumuko.. alam nyang kung nabubuhay pa si Mang Jhon. di ito papayag na titigil na lang.. kakayanin nya to. alam nyang mahirap na pagsubok ang pagdadaanan nya pero kakayanin nya to. at isa na lang ang natitira nyang pagasa sa buhay.. si Kanory..
EPISODE 3
Aling Perla & her Friend
Halos 20 taon na ang nakalipas noong mangyarri ang masalimuot na pagkaka patay kay Mang Jhon. nagpatuloy ang buhay ng Mag ina. Binata na rin si Shawn.. di na rin nakapag tapos ng pagaaral si Kanor dahil sa hirap ng buhay. asa 3rd year Highschool sya sa Mabini Academy nung tuluyan ng tumigil. bagama't nagiisang anak, lumaking spoiled brat ito kay Aling Perla.. pero mabait at masunurin naman ito..kaya mas pinili nyang tulungan na lang ang kanyang ina sa paghahanap buhay. at dahil sa pogi at artistahin talaga tong si Kanor totoong madaming babae ang nagkaka crush dito pero di nya pinapansin ang mga chikababes na yun. priority nya ang kanyang nanay. ipinagpatuloy ni Kanor ang hanap buhay ng hindi nya nakilalang ama. ang pag tataho. Aannnnaaakkkkk bangon na tanghali na! ang palahaw ni Aling Perla habang kinakatok ang kwarto ng anak. ano ho bang oras na? ang sagot ng binatang hindi pa ata nakakabalik ang kaluluwa sa sariling katawan. 'Alas 6 na ng umaga! gayak na ikaw anak at baka wala kang mabenta ngayon!' anak ng.. alas sais ng umaga tanghali na? ganon lang siguro ka advance si Aling Perla. kaya gaya ng nakagawian nya. pag kaka gising sa anak deretso na sya sa labas ng bahay nila habang nagwawalis sa kanilang bakuran at inaabangan ang kanyang Mortal Enemy si Aling Donnabel pero kahit kaaway e paborito din naman nyang kakwentuhan ang nagiisang kahanggan.
"E di ganon na nga, Bumili na kami ng Gemini TurnTable sa New Life"
"Hay naku mare, ang yaman nyo na talaga!"
"Hindi naman..."
"Hindi naman talaga Mareng Donnabel, syempre alam ko yun. Sa totoo lang mas mahal ang Technics Turntable na pinadala sa akin ng Bayaw ko sa Italy"
"Talaga lang ha.."
ang Yabangan ng mga Lipenya ay madalas nauuwi sa tawanan. pero wag ka at sa sandaling sabay sabay na pumikit ang mga tao eh nagagawa ng dalawa na magkalmutan na parang mga pusa. at sa loob ng 3 seconds nakangiti na uli ang dalawa na parang walang nangyari..
"Nga pala Mareng Perly, musta naman yung double cassette tape mo na nasa sanglaan, natubos mo na ba?"
"Naku mareng donnabel, hinayaan ko na tutal luma na naman yun. E yung Colored TV nyo? balita ko nasa repair shop huh.. buti di lumalabo mga mata nyo unlike sa amin na naka LCD na.."
"Anla mare, e ang mahal naman ng bili ng kumpare mo noon sa Saudi. Matibay naman yun kasing tibay ng Hitachi VCD player namin."
"Oh c,mon! VCD Player?? ibig mong sabihin wala pa kayong DVD player???
"Mer..... ummmmm, wala! so what?? Bakit kayo ga?!"
"Syempre meron!"
"Meron na kayo???"
"Meron na kaming balak bumili pag lumaki kita ni Kanor!"
"Ahahahhaha Asa ka.. bibili kayo ng DVD player galing sa binebentang TAHO ni Kanor? shadddapp!"
"Yabang neto.."
"Musta naman ang tyan mo mareng Donnabel, tindi din ni Pare no tuwing umuuwi galing saudi pag alis iiwanan ka ng sanggol parang nagiiwan lang ng souvenir eh :))"
"Oo nga eh.. yae na atleast alam kong sabik na sabik sya sa akin pag nauwi sya.."
"kow... e di siguradong paglabas nyan katakot takot na picture taking na naman gagawin nyo!"
"So siguro naman may Niikon D60 ka na? kasi si Kanor pinadalhan ng tiyuhin nya ng bagong Reflex!"
"Mare sa totoo lang, Laos na ang mga reflex eh.. nakakatakot ng gamitin at baka may mga side effects na!
"Huh"
"Bibili na lang daw si Pare mo ng Video Camera pagbalik galing Saudi. ipapapa package na lang daw nya. dapat nga bibili na kami kanina sa Simplicity eh kaso sabi nya mas maganda nga raw sa Saudi ang mga DigiCam. pero napagkasunduan naman namin na di namin pahahawakin ng Sony Handycam si bunso hanggat di tinutubuan ng bag-ang. ayaw naman naming lumaki si bunso na alam nya na galing sya mayamang pamilya.. "
Ganyan ang Eksena sa Mataas na Lupa kung saan nakatira sila kanor. sa ganong tagpo massasabing buo na ang Araw ni Aling Perla makausap lang ang kanyang Kapitbahay. gustong gusto talaga nila ang naguusap at nagpapayabangan tuwing umaga. pero pareho naman sila laging may kabog sa dibdib, takot na baka sa susunod na tanong e di nila matapatan ang basag sa isat isa..
Episode 4
Kanor & the Bad guys
Maagang bumangon si kanor bagamat napaaga sya ng tulog kagabi. inisip nya na kailangan nyang makabenta ng marami para may pang UNLI TxT sya sa kanyang childhood puppy love. (saka ko na ipapakilala sa inyo ito). hindi nya rin maintindihan ang sarili pero ang alam nya sya ay sobrang excited nung araw na yun kahit na di naman nya alam ang mangyayari.. kaya sya na mismo ang gumising sa kanyang Ina para ihanda ang taho na paninda..
"Mommy!!! bangon na!! tanghali na!"
habang may kasamang pag umis habang kinakatok ang kwarto ng ina.. maya maya pa ay bumangon na si Aling perla.
"Ano kamo?"
"sabi ko po Mommy Bangon na!"
"e kung ginagarute kaya kita dyan? may pa mommy mommy ka pa ngayong nalalaman"
"saan ba ang Hada mo at ang aga mo ata ngayon?"
"wala ho nay magkikita lang po kami ng KAIBIGAN ko mamaya kailangan makauwi agad.. "
"ah ay sya basta pag nakabenta ka umuwi ka na agad dito at kailangan nating bumili ng Gasul"
"opo moom..... inay!"
Agad namang inihanda ni Aling perla ang ilalakong taho sa araw na yun.. at naligo na ang ating bida.
"Check ko muna ang mga gadgets ko bago sumabak!" ang sabi ni Kanor sa sarili..
"Mp3 player - Check, Cellphone - check, Suklay - check, cologne - check, twalya - check, extra shirt - check"
Im ready to go!! habang nakikipagusap sa salamin sabay kindat..
"Nay aalis na ho ako!" ang paalam ng anak sa kanyang ina na sa mga oras na yun ay busyng busy na sa pakikipagkwentuhan kay Aling Donnabel.. lumarga na si Kanor sabay play ng mp3 player nya. ang track, Eye of the Tiger..
habang binabaybay nya ang Mataas na Lupa papuntang bayan, andon na naka abang ang mga batang suki nya araw araw.. kaya naman di na zezero si Kanor. dahil sa kasagsagan ng araw. naisip nyang mag shortcut na lang sa may Barangay 2 para madali syang makarating sa Palengke para maglako kaya naman lumiko na sya sa May Cultural at nag ronda ng konti sa may Basang hamog.. Takot si Kanor sa lugar ng Barangay 2 bukod sa maraming Bad Boys don, mahihirapan kang makawala sa kanilang teritoryo dahil sa masisikip na iskinita don.. pero binalewala nya to. nung naglalakad na sya sa iskinita di nya namalayan na may sumitsit sa kanya.. PSSSTTT TAHOO!! sigaw ng isang pamilyar na boses.. lumingon sya at nung makita nya kung sino, si Konsehal Joey Boy! ang kilabot ng Brgy 2.
"yari na naman ako nito anak ng teteng.." ang bulong ni Kanor sa kanyang sarili..
"Toy pabili nga ng taho 5 piso" sabi ni Konsehal.
"Yes ser!" sabay bunot sa plastic nyang baso..
"Teka teka.. ano yan?"
"baso?"
"alam kong baso yan! umbagin kita eh.. wag mong sabihing dyan mo ilalagay ang 5 pisong taho??"
"e joey boy ganito lang ang size ng mga baso ko eh"
"ahhh teka.."
pumasok saglit ng bahay si Joey boy at pagbalik inabot ang GA-TABO nyang baso..
"punuin mo na lang at pakidagdagan ng sago!"
"pupunuin ko tong ga tabo mong baso?!?"
"bakit ayaw mo?"
sabay may panlilisik ng mata na para bang nagsasabing pag umangal pa to eh ay may paglalagyan na ang kawawang magtataho..
"Wala naman.. para ngang ang liit ng baso mo ngayon eh! heheheh"
walang nagawa si kanor kundi sumunod na lang sa gusto ni Joey Boy. para syang batang paiyak na inagawan ng laruan nung mga oras na yun.. nung makalaya na sya sa pugad ng mga Astig. pinagpatuloy na nya ang pagtahak sa mga iskinita.
sa di kalayuan ay natanaw nya ang isang galit na galit na Binata habang binubogbog ang walang kalaban laban na matanda na naka subsob na sa lupa at patuloy na pinagtatadyakan.. na badtrip si Kanor. ibinaba ang kanyang panindang taho. at nakatitig sa binatang walang awa. kumunot ang kanyang mga noo sabay ikom sa kanyang dalawang kamao.. at sabay sabing "malas mo at napadaan ako dito.. kailanman ay hindi pinapatulan ang matatandang walang kalaban laban" at sumugod na si kanor para ipagtanggol ang binubugbog na matanda..
Kanor & the Wizard
Hoooyyy! itigil mo yan! ang sigaw ni Kanor sa binatang nambubugbog. pero mukhang hindi naiingli ang binata at tuloy pa rin sa pambubugbog.. kaya kinalawit ni kanor sa leeg ang binata at sabay ipinagpag na parang basahan sa pader!
"Pag sinabi kong tama na tama na! tarantado ka pati matanda pinapatulan mo!"
"Huwag mo akong Pigilan! walangya yan dapat lang sa kanya ang bugbugin! manlilinlang"
ngunit di na sya pinakinggan ni Kanor sa halip ay inumbagan pa nya ng isa ito para matigil.. nakawala ang binata at nagtatakbo papalayo. Pagsisisihan mo to! Pagsisisihan mo tong pagpigil sa akin!! at kumaripas na ng takbo ang binata.
Agad namang nilapitan ni Kanor ang matandang bugbog sarado at inalalayan ang matandang may Mahabang buhok, Mahabang balbas at maraming kwintas at may dalang lumang shoulder bag..
"Salamat Amang... iniligtas mo ako sa masamang loob na yun" ang sabi ng matanda habang tinitingnan ang sarili kung buo pa at di nagkalusog lusog..
"Walang ano man po yun.. basta magiingat na lang kayo lagi.. halikayo at pakakainin ko kayo ng taho mukhang wala pa kayong kain eh."
"Naku maraming salamat Amang. ang katunayan ilang araw na nga akong di nakain!"
habang pinapakain ni Kanor ang Matandang may mahabang balbas biglang nagliwanag ang isipan nya.. 'Teka nga muna, parang napanood ko na to eh... parang yung asa TV na tutulungan mo yung isang matanda tapos magbibigay sya ng kakaibang kapangyarihan.. wow.. eto na ata ang sagot sa paghihirap namin! ang mahinahon na sabi ni Kanor..
"ah mawalang galang na ho, hindi ho kayo taga Lipa ano?"
"Hindi nga utoy, taga Bundok Makulot ako!"
at lalo ng humaba ang ngiti ni Kanor sa narinig. para sa kanya ang mga Ermitanyo ay madalas nakatira sa mga kweba sa bundok.. kaya agad na syang humiling sa matanda dahil alam nyang may kapangyarihan ito na sa isang pitik ay bigla na lang mawawala..
"Ahmm mawalang galang na po.. tutal nailigtas ko naman po kayo sa binatang nambugbog sa inyo baka naman ho pwede nyo akong gantimpalaan kahit konti"
"Ay oo anak.. dahil sa matapang mong pag tulong sa akin sige humiling ka lang at ibibigay ko!"
"Talaga ho??"
"Teka ano ho bang pangalan nyo?"
"Tawagin mo na lang akong Mang Santino!"
"ah ok.. Mang Santino.. gusto ko hong maging isang superhero gaya ho nung nasa TV, yung may kakaibang costume tapos may Kapa parang si Superman!"
"Gusto mong maging Kagaya si Superman??"
"Opo"
"Meron ako nyan..." at dumukot ang matanda sa kanyang mahiwagang Bag at inabot ang isang Kakaibang Costume at inabot kay Kanor..
"Huwaw.. eto po ba yung pag isinuot ko ay magiging kagaya ko si Superman"
"di lang kagaya, Hawig pa!"
"oh so ibig sabihin makakakita ako ng mga bagay na tatagos sa dingding?"
"Ah Hindi.."
"o kaya nakakapag palabas ng Apoy sa mga mata?"
"Hindi Din.."
"magkakaroon ako ng Super Hearing?"
"At mas lalong hindi"
" E para saan ho tong Costume na to?"
"ah yan napulot ko lang yan noong magkaroon ng Costume Party sa Cultural noon. bago pa naman eh kaya itinabi ko.."
"Nye, naku Mang Santino di nyo po ata ako naiintindihan, gusto ko po ay yung magkakaroon ako ng kakaibang lakas!"
"Gusto mo ng kakaibang lakas?"
"Opo, opo..."
"Ahhhhh teka meron ako nyan..." at humugot uli ang Matanda sa kanyang mahiwagang bag.
"Etoh! inumin mo tong nasa botilyang ito at magkakaroon ka ng kakaibang lakas!"
"Wooooww.. ibig nyo pong sabihin magta transform ako kagaya ni Incredible Hulk at magiging kasing lakas nya ako??"
"Naku Hindi.. pero lalakas ka lang dyan at di ka aantukin..."
"Ho e ano ho ba to?"
"Yan e yung mga tira tira galing sa Gatorade, Cobra, at Redbull na pinulot ko sa may 7-11 pinagsama sama ko lang.."
"Ewwwww... ano ba yan. Mang Santino di ko po kailangan ng mga tira tira.. anong lasa nyan?"
"ahmmmm... bigyan nyo na lang po ako nung tipong madadagdagan ako ng Karunungan! yung magiging pinakamatalino ako sa buong mundo.."
"Gusto mo ng Karunungan???"
"opo opo.. yun na lang po..."
"Meron ako nyan... at bumunot uli ang matanda.. Eto! hawakan mo ang librong ito basahin mo ang mga nakasulat at magkakaroon ka ng kakaibang karunungan.."
at kinuha ni Kanor ang mahiwagang libro...
"Sige Anak, basahin mo! basahin mo!"
at nung buksan ni Kanor ang libro halos matakpan na ng mga alikabok ang bawat pahina ng aklat dahil sa kantandaan kaya hinipan nya muna to at ng maaninag ang mga letra isa isa na nyang binasa..
"A - E - I - O - U, BA - BE - BI - BO - BU, KA - KE.... anak ng tokwa ano bang libro to??"
at ng tingnan nya ang cover ng libro andon nakatatak ang mahiwagang aklat
ANG UNANG HAKBANG NG ABAKADA--
"Ngak.. susko naman ano ho bang aklat ito e aklat ng grade 1 ito eh.. di ko ho kailangan yan!"
"akala ko ba gusto mo ng karunungan?"
"oo nga po pero di naman ganyan.. pambihira naman kayo manong eh.."
"ang gusto ko po yung parang kagaya ng kay ahmmm kay Darna, yun pong may kapangyarihan sa bato.."
"gusto mo ng mahiwagang bato?"
"opo yung tipong pag ka lunok ko ay sisigaw ako ng Super Kanor!"
"ahhhh tapos magbabago ka ng kasuotan?"
"opo tapos makakalipad ako!"
"tapos lalabanan mo ang masasamang loob dahil sa taglay mong kakaibang lakas??"
"Naku oho ganon na nga ho.. Super Hero po tawag don..."
"ahhhh meron ako nyan.. meron ako nyan.. at sayo ko lang ibibigay ito dahil sa mabuti kang bata..."
at dumukot uli ang matanda sa kanyang mahiwagang bag at maya maya pa ay inilabas ang MAHIWAGANG BATO na kasing laki ng bola ng Narkabowl..
"eto anak sayo na to.."
"ano ho ito?"
"iyan ang mahiwagang bato ng kapangyarihan.. sige LUN-UKIN mo LUN-UKIN mo ng maging super hero ka na!
"e ginagago nyo ho ata ako eh.. paano ko ho lulunukin ang batong ito na kasing laki ng shotput? siraulo ho pala kayo eh at dahil sa inis ginulpi ni Kanor ang Fake na Ermitanyo. dahil bukod sa naubos oras nya. nawalan tuloy sya ng benta dahil sa malamig ng taho.. at bigla nyang naalala ang sinabi ng binatang binugbog nya.. "PAGSISISIHAN MO TO!" "PAGSISISIHAN MO TO!"
itutuloy.... :))
Nessun commento:
Posta un commento