Kung hindi mo mabasa ang isang tao, basahin mo ang mga sinusulat nya. Doon mo sya makikilala. Doon mo malalaman ang tunay na nararamdaman nya, ang tunay na iniisip nya at ang mga katotohanang maski sya eh walang kakayanang sabihin.
Ito yung sumasalamin sa tunay nyang pagkatao. Dito mo mararamdaman ang damdaming pilit nyang itinatago dahil sa takot at kung anupamang mga bagay na nagsasabi sa kanyang "hindi pwede, hwag na lang".
Baka tama ka. Wala naman sigurong dahilan para maging magkaibigan tayo. Wala akong mabuting naidudulot sa iyo. At puro sakit lang din naman ang naibibigay mo sa akin. Pwedeng hindi mo sinasadya, pero yun ang nangyayari. Kahit anong pilit nating ayusin at linyahan ang pagkakaibigang blurred sa paningin natin pareho, wala na talaga yata tayong magagawa. Baka nga hindi meant. Walang saysay. Isa na naman sa milyun-milyong bagay sa buhay natin na may label na "walang sense".
Hindi mo ako kailangan pakinggan. Isa pa, hindi ko kailangan magsalita para marinig mo ako. What's the point? Iba ang tingin mo sa akin. At hinding-hindi magbabago yun. Noong una pa lang, ganito na tayo. Walang pinupuntahan. Tsamba lang na matatawag kung may patunguhan man ang mga mabababaw nating mga usapan.
Laging tungkol sa past. Past mo at past ko. Yung present? Kebs. Bahala na. Basta, nandyan ka, nandito ako. Parehas nating tine-take for granted ang presence ng isa't-isa. Tayo yung isa sa maraming rason kung bakit naimbento yung phrase na "wala lang".
Dito tayo nagsimula. Dito rin tayo magtatapos.
Alam kong hindi ka Tanga. Alam mong mahal kita. Kahit ilan pa man ang dumaan dyan, kahit ipakita ko pa at ipangalandakan sa harap mong iba ang gusto ko, hindi maikakaila sa bawat kilos, bawat salita at bawat iniisip ko na ikaw ang mahal ko.Ngayon, naniniwala ka na? Di ba noong una pa lang, sinabi ko na sayong kung itatabi mo ako sa magaling mong bf, eh magmumukha lang syang anghel? Lahat ng ginawa nya't mga nangyari sa inyo ay magmimistulang intro pa lang ng mga katarantaduhang pinasok ko.
Maraming hindi nakakaalam. Pero ikaw, alam mo yun.December last year. Dahil ginusto na lang kitang saktan, sa pag-aakalang ganun lang din ang gusto mong gawin sa akin.
Akala ko hindi na babalik yung kung anuman yung meron sa atin, pero after ilang months lang, I found my way out from the most stupid decision that I made. I became free. Pero natakot pa rin akong muli kang lapitan, puntahan at mahalin.
Bakit?
Dahil nakatatak sa akin kung gaano ka kalabo mag-isip. Na hindi ko naiintindihan ang bawat galaw mo. Na hindi ko nasasakyan ang bawat iniisip mo. May ilang nakakaalam. Takot akong amining mahal nga kita. Dahil hindi naman ikaw yung pinlot-out kong mahalin. Hindi ikaw yung tipong ginusto kong makasama.
Pero wala akong magagawa. Ang cheesy pakinggan, pero hindi mo nga pala kayang diktahan ang puso. Hindi talaga. Kaya I did everything para ilayo ang sarili ko sayo. Ang makipaglandian sa ibang babae sa harap mo. Ang manligaw at manuyo ng iba habang nanonood ka.Double your chances of winning, ika nga. Malay mo, sa kaka-trial and error ko, makalimutan ko yung nabubuong pagmamahal ko sayo.
Kaya lang hindi. Hindi talaga.
I showed you the good side and the bad side. Pero aminin mo man o hindi, hindi mo masisikmura kung ano ako. Kung ano ang kayang gawin. Kung gaano kita gayang saktan. Ang takot na yun ang nagdidikta sa aking hindi talaga. At yun din mismo yung bumubulong sayong gago ang lahat ng lalaki.
Mali.
Ikaw pa rin yung nag-iisang batang babaeng sugatan na ginusto kong alagaan, mahalin, at yakapin. Ikaw yun. Pero mas mabuti na ring ganito.
Hanapin mo kung ano yung makakapagpasaya sayo. Hanapin mo yung makakapagpatahan sa pag-iyak mo. Hindi ako yun.
Pero for the last time, aaminin ko sayong mahal na mahal kita.
Para pang nang-aasar yung putanginang istayon ng radyo sa taxi, dahil sa kabila ng pagbibilang ko ng mga posteng dinadaanan natin, sa dinami-dami ng mga kantang pwede nyang patugtugin, yun pa yung napag-trip-an nya.
Kung inakala mong wala lang sakin lahat ng nangyari, nagkamali ka. Nung tinanong kita kung wala lang yun para sayo, para mo na rin akong tinarakan dahil sa sagot mo. Gago lang talaga ako. I keep on falling sa mga maling babaeng katulad mo.
Nessun commento:
Posta un commento