venerdì 28 ottobre 2011

Buntong Hininga...

Hindi ko maipaliwanag ang araw na to. wala sa sarili, nakatingin sa kawalan, walang ganang makipagusap, walang ganang ibuka ang mga bibig, mahinahon ang tibok ng puso. magulo ang utak. 2 bagay lang ang pumapasok sa isipan.. past and present.. "Ano ba ang nagawa ko?" at "Ano ba tong ginagawa ko?" . naghahanap ng solusyon hanggang unti unting kumukunot ang noo. Konklusyon? isang malaking WALA!! ewan. di ko alam.. hindi ko na alam.. pagod na pagod na ako.. sawang sawa na ako. paulit ulit na lang. . palagi ko na lang sinisisi ang sarili sa bandang huli.. ayaw kong isipin na tuluyan na akong nawala.. nababalot ng kadiliman ang aking puso. pero hindi ako humihinto sa paghanap ng liwanag. at pag nakawala ako sa sariling kulungan. magpapahinga. sa sandaling makaipon uli ng lakas.. babalik na naman ako don. para pahirapan ang sarili.. saktan ang diwa at sisihin ang pagkatao. ikaw? andyan ka lang.. mahinahong sinasaksihan ang mga nangyayari.. hinihintay yung pinangarap mong pagkawasak. ang aking pagkalugmok ang aking pagpanaw.. doon magsisimula ang hinihintay mong kapayapaan. don mo maipagmamalaki na tunay ka ng malaya.. don ka tatanggalan ng tinik na matagal ng naka tarak sa iyong puso. iyon ang araw ng katuparan ng iyong hiniling sa kanya.. iyon ang araw na masasabi mong lubos ka ng masaya..

Pero andito pa ako.. katulad ng iba na nangarap din ng pagbabago. ng panibagong panimula. ng isa pang pagkakataon. karapatan ko rin yun. kahit nagkaganito ako. hanggat may natitira pang hininga at hindi pa sumusuko. tungkulin mo pa rin na ipakita sa akin ang liwanag. andon ako sa gitna pilit na sinisigaw ang pangalan mo.. pilit na nakikiramdam ng alingawngaw ng tinig mo.. pero wala na.. iniwan mo na akong nakakulong sa mundo ko na inakala mong ito ang pinili ko... hindi. hindi ito ang pinangarap ko. . nagkamali lang ako. naliligaw lang ako. eto ang resulta pag pinababayaan mo ako. patunay na hindi ko kayang mabuhay na wala sa piling mo. umasa ako na tatalian mo ako ng pagibig na ipinangako mo.. pero hindi ko namalayan na sinayang ko na pala lahat ng pagmamahal at pagunawa mo. kasalanan ko ito.. patawarin mo ako. hayaan mong pagsisihan ko ang.lahat ng ito.. haaayyyy. bubuntung hininga na lang ako.. sana minsan maalala mo ako dito sa balon na kinalalagyan ko....

Nessun commento:

Posta un commento