Amang Banal na Makapangyarihan sa lahat may gusto po sana akong itanong sa inyo, Bakit ka ba ganyan? Ilang beses na kitang inagrabyado, hindi ka pa rin nagsasawa. Ilang beses na kitang nilapastangan, dinungisan at nilayasan, nandyan ka pa rin. Hindi ka pa rin naggi-give up. Hindi na mabilang yung mga times na niyurakan ko lahat ng mga ginagawa mo sa akin. Ilang beses ko na rin bang tinake for granted ang mga sinasabi mo. Halos araw-araw ko rin lang naman inuulit ang mga ginagawa kong kasalanan sayo. Ang martir mo naman. Hindi mo ba talaga ako titigilan? Hindi mo ba talaga ako tatantanan? Bakit hindi ka man lang umalma? Bakit hindi mo ako sipain, sapakin at saktan? Lagi ka lang nandyan, bukas ang kamay na tinatanggap ako sa tuwing bumabalik ako’t umiiyak na patawarin mo. Sorry ako nang sorry, pero pagkatapos ayan na naman. Nagiging cycle lang lahat. Ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko. Feeling ko ang kapal-kapal na ng mukha kong mag-demand pa sayo ng kung anu-ano. Pero ito ka, sige lang, bigay lang ng bigay. Salamat Ama. Maraming Salamat at Patawad.
Bakit ka ganyan? Parang nang-aasar ka pa. Instead na parusahan mo ako, binigay mo pa sa akin ang isa sa mga anghel mo. Wala ka pa ring iniisip kundi ang kasiyahan ko. Ang kapakanan naming lahat. Sige, akala mo tatanggihan kita? Kung anu ang ibibigay mo, tatanggapin ko, aalagaan. Kahit dito man lang, maipakita ko sayo kung gaano ako ka-thankful sa lahat. Sa lahat-lahat. Astig ka. Wala kang katulad. Sana balang-araw makabawi ako sa lahat ng kabutihan mong pinamamalas sa akin.
Ang dami kong ginawang kasalanan, ang sarap lang pakinggan ng mga salitang, "I absolve you from your sins,in the name of Lord Jesus Christ..". Kung tao lang ang magpaparusa, baka na-lethal injection na ako nyan. Pero sayo, ano ang kapalit? Ang kausapin ka lang ng mas madalas.
Alam ko may Yahoo! Messenger ka dyan. Kahit anong oras, on-line. Hayaan mo, at dahil na add na kita sa Puso ko dnt worry lagi kitang ibu-buzz pag naliligaw na ako. paramdam ka po ha. :D
Amen
Nessun commento:
Posta un commento