venerdì 28 ottobre 2011

Buntong Hininga...

Hindi ko maipaliwanag ang araw na to. wala sa sarili, nakatingin sa kawalan, walang ganang makipagusap, walang ganang ibuka ang mga bibig, mahinahon ang tibok ng puso. magulo ang utak. 2 bagay lang ang pumapasok sa isipan.. past and present.. "Ano ba ang nagawa ko?" at "Ano ba tong ginagawa ko?" . naghahanap ng solusyon hanggang unti unting kumukunot ang noo. Konklusyon? isang malaking WALA!! ewan. di ko alam.. hindi ko na alam.. pagod na pagod na ako.. sawang sawa na ako. paulit ulit na lang. . palagi ko na lang sinisisi ang sarili sa bandang huli.. ayaw kong isipin na tuluyan na akong nawala.. nababalot ng kadiliman ang aking puso. pero hindi ako humihinto sa paghanap ng liwanag. at pag nakawala ako sa sariling kulungan. magpapahinga. sa sandaling makaipon uli ng lakas.. babalik na naman ako don. para pahirapan ang sarili.. saktan ang diwa at sisihin ang pagkatao. ikaw? andyan ka lang.. mahinahong sinasaksihan ang mga nangyayari.. hinihintay yung pinangarap mong pagkawasak. ang aking pagkalugmok ang aking pagpanaw.. doon magsisimula ang hinihintay mong kapayapaan. don mo maipagmamalaki na tunay ka ng malaya.. don ka tatanggalan ng tinik na matagal ng naka tarak sa iyong puso. iyon ang araw ng katuparan ng iyong hiniling sa kanya.. iyon ang araw na masasabi mong lubos ka ng masaya..

Pero andito pa ako.. katulad ng iba na nangarap din ng pagbabago. ng panibagong panimula. ng isa pang pagkakataon. karapatan ko rin yun. kahit nagkaganito ako. hanggat may natitira pang hininga at hindi pa sumusuko. tungkulin mo pa rin na ipakita sa akin ang liwanag. andon ako sa gitna pilit na sinisigaw ang pangalan mo.. pilit na nakikiramdam ng alingawngaw ng tinig mo.. pero wala na.. iniwan mo na akong nakakulong sa mundo ko na inakala mong ito ang pinili ko... hindi. hindi ito ang pinangarap ko. . nagkamali lang ako. naliligaw lang ako. eto ang resulta pag pinababayaan mo ako. patunay na hindi ko kayang mabuhay na wala sa piling mo. umasa ako na tatalian mo ako ng pagibig na ipinangako mo.. pero hindi ko namalayan na sinayang ko na pala lahat ng pagmamahal at pagunawa mo. kasalanan ko ito.. patawarin mo ako. hayaan mong pagsisihan ko ang.lahat ng ito.. haaayyyy. bubuntung hininga na lang ako.. sana minsan maalala mo ako dito sa balon na kinalalagyan ko....

martedì 11 ottobre 2011

its just a Music...

Musika. ito ang pagtutuan natin ng pansin ngayon. halos 4 na buwan na rin ang lumipas nang huli kong hawakan ang aking gitara. napakatagal na non para sa isang tunay na Musikero. at kahit pagod galing sa trabaho, sinubukan ko uling mag riff. naisip kong sumepra ng kanta para ma testing ko uli kung uubra pa ang matitigas ko ng daliri. Cariño Brutal. ito ang napili kong tugtugin. kinompose ito ng Bandang Slapshock at ginawan na rin nila ng MTV during their US tour. magandang praktisan ang kantang ito para sa mga non pro guitarist kagaya ko. ilang beses kong pinakinggan, nanood sa youtube ng ilang lesson nag search ng tabs then tinugtog...so far, nakuha ko naman ang 95% ng kanta. :) so pwede pa! pero ang totoo, wala pa akong planong bumalik sa music scene. tumugtog ako dahil excited akong subukan ang aking MARSHALL MAJOR headphone. very satisfied! sino ba nMan ang mag aakala na ang isang pinaka astig na AMP ay magiging ganap na headphone.. pero dahil sa pagod at puyat , akalain mo bang nakatulog ako habang nag iistrum? naimagine ko tuloy ang sarili ko ano kaya at sa gig yun nangyari? nasa kainitan ng concert tapos biglang nakatulog sa stage? tyak madadagdagan na naman ang embarassing moment list ko!
Noong teenager ako napahilig din ako sa pagbabanda.. passion ko yan... hanggang sa maging hobby at nagtapos na lang sa past time ngayon.. kaya may ilang nagtanong din sa akin.. mahusay ka rin pala mag gitara bat ayaw mong bumuo ng compo? ngumiti ako sa kanya at sumagot: alam mo, pag dating sa musika halos nagkakapareho tayo ng hilig. yun nga lang, ikaw lumilikha ka ng musika base sa TRIP mo at kaya mo. ako kumokopya ako dahil nakaka RELATE ako at nahihirapan ako. kaya alam mo kung saan tayo nagkaiba? sa PANANAW.. 31 na ako at pamilyado na rin sa tingin ko hindi na ito ang tamang moment para mangarap maging rockstar.. kuntento na ako na natutugtog ko yung mga kantang madalas kong pakinggan sa mp3 player ko. at kapag napondo ko na ang isang mahirap na kanta, kuntento na ako. at least sa sarili ko masasabi ko na kinaya ko! achivement na yun bunga ng pagtityaga at pagpipilit na macover ang isang kanta then saka ko itatanong sa kanila. kaya mo rin ba to? :)

domenica 2 ottobre 2011

Today's Quote

"Tragedies happen. What are you gonna do, give up? Quit? No. I realize now that when your heart breaks, you got to fight like hell to make sure you're still alive. Because you are. And that pain you feel? That's life. The confusion and fear? That's there to remind you, that somewhere out there is something better, and that something is worth fighting for." — Nathan Royal Scott

Be Kind

Minsan may mga bagay tayo na kahit kaya nating gawin pero hindi natin ginagawa.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maging mabuti sa isang tao,
Gawin mong maging mabuti sa kanila.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na ngumiti sa isang tao
ngitian mo. Ang mga ngiting nakikita mo buhat sa kanila,
yan ang mga ngiting ibinahagi mo sa kanila.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makakita ka ng may lumuluhang tao
Pahiran mo ang kanyang mga luha
hawakan ng banayad ang kanyang mga kamay
Makakaramdam siya ng isang kaligayahan na tanging ikaw lang ang nakapagbigay.
Kung bibigyan ka ng pagkakataong gumawa ng kabutihan sa kapwa,
Susuklian ka rin ng kabutihan.
Ang totoong kabutihan ibinabahagi ng kusa
walang anumang kapalit
ibahagi mo ito ng libre
Kung bibigyan ka ng pagkakataong magbigay ng tulong sa kapwa
yan ang mga bagay na mag papaalala sa kanila na ikaw ay mabuting tao
para sa kanila.
Kung bibigyan ka ng pagkakataong magpatawad sa mga taong nagkakasala gawin mo dahil hindi rin sila perpektong tao.

Huwag na nating hintayin ang pagkakataon,
Ang lahat ng pagkakataon ay hawak mo.

Kahit ano pa sila..

STILL BE KIND!
BE KIND TO THOSE UNKIND.

A Torpe Letter


Dear Nene,


Alam mo bang crush kita? Palagi kitang inaabangan sa school. Kapag nakikita kita, kumpleto na ang araw ko. Hindi mo lang alam, kabisado ko ang sked mo. Alam ko kung san ka dumadaan pagtapos ng mga klase mo. Pero wag mo sanang isiping stalker ako ha. Crush lang talaga kita. Ganito siguro ang naisip ng Diyos para sipagin ako sa pagpasok sa school. Kung ganun man, napakatalino Niya talaga. Binigyan nya ako ng inspiration. Swerte ko nga e, di ko pa birthday niregaluhan na nya ako. Kaso, hanggang tingin lang ako e. Pero sa totoo lang, masaya na ako dun. Basta makita kita sa isang araw makakangiti na ako. Wag ka sanang magagalit, ako yung nag-ipit ng bulaklak dun sa notebook mong naiwan mo sa library. Alam ko namang puno ng notes mo yun sa math pero ginawa ko pa rin. Sorry ha. Alam mo ba may isang beses nagkatabi tayo sa pila sa cafeteria. Tapos nung magbabayad ka na, sakto namang kukuha ako ng sukli. ibinigay sakin nung tindera yung inabot mong bente. Alam mo bang nakatabi pa yun sa aking mga gamit? mas mahalaga pa yun kesa sa 100 peso bill na gloria arrovo o yung up centennial. nung valentines day, ibinili kita ng rosas pero sa hiya ko, ipinaabot ko dun sa isang kaibigan mo. kaso nakita naman daw ng gf nya, napilitan tuloy syang ibigay. babayaran na lang daw nya. tuloy, sumulat na lang ako sa isang yellow paper at nagdrowing ng bulaklak. ginawa kong eroplano at pinalipad ko sayo. tumama ito sa mata mo at nagalit ka kaya't kumaripas ako ng takbo. di ko tuloy nakita kung nabasa mo ito o itinapon lang. Siguro kilala mo na ako kasi friend na kita sa friendster at multiply e. Alam mo ba nung isang araw habang naglalakad ka papuntang lobby, bigla kang napalingon sa akin at nakangiti ka. Ewan ko ba pero alam ko namang hindi para sa akin yung ngiting iyon ngunit natunaw mo pa rin ang puso ko. biglang parang lumutang ang katawan ko sa sarap ng pakiramdam. Para akong xxxxx at ilang minuto akong nakangiti sa kawalan. Gusto sana kitang lapitan at makipagkilala pero nahihiya talaga ako. Ipinakilala ka na sakin nung kaibigan mong kakilala ko pero parang wala lang naman sa iyo. in-offer ko nga yung kamay ko para makipag-shake hands pero hindi mo ata ito napansin. Tina-try ko lumapit sayo at makipagusap pero lagi ka naman may kasama. Gusto sana kita maging kaibigan. at kung papalarin man, mas higit pa run. Kaso natotorpe talaga ako e. Panu ba naman, sa ganda mong yan alam kong marami ka nang manliligaw na hamak namang mas mukhang tao kesa sa akin. kumbaga para tayong langit at lupa e. langit ako, lupa ka. joke lang, baliktad pala. sumulat ako para malaman mong may pagtingin ako sa iyo. sana pansinin mo na ako pag nagkita tayo ulit sa school. kung di man, sagutin mo na lang sana itong sulat kong ito. itatanong ko lang sana kung:


pwede ba kitang ligawan?


A. OO


B. HINDI (ipaliwanag)


____________________________________________


Love,


Totoy

Respect

Ang totoo , wala naman talagang napapala ang isang patay kung lalagyan mo ng bulaklak ang puntod nya. ang pag respeto sa isang patay, ay pagrespeto sa.mga ipinaglaban nya na alam mong tama.. pangalagaan ang kalayaan o ano mang magandang buhay na pangarap nya para sa inyong lahat!

The Adventure of Mang Kanor




Noong unang panahon, Sa isang sulok ng ilog ng Balete ay may nakatirang isang Diwata. meron syang katangian na totoong kabigha bighani sa paningin ng tao.. maganda sya, matangos ang ilong, meron syang mahabang buhok, medyo maputi, may maliit na pakpak,  malungkot ang dalagang diwata na naglalakad sa gilid ng nasabing Ilog.. ang kanilang tirahan ay matatagpuan sa ilalim ng ilog kung asan andon ang kanyang amang hari na kasalukuyang may sakit at mukhang wala ng lunas.. umiiyak ang magandang diwata dala ng dalamhati na kanyang maysakit na ama..Pero wala syang kinalaman sa kwento ko.. kaya ang pagtutuunan na lang natin ng pansin ay si Mang Kanor.. eto ang storya na nilikha base sa mga huntahan kasaysayan asaran lambingan ng mga miyembro ng grupong TLKK. :)

EPISODE 1
Welcome to the World..

Kaaaaaaaaaannnnnnnnorrrrrrrrrr! Manganganak na ata ako! ang sigaw ni Aling Perla habang nagpipilit na indahin ang sakit na nararamdaman. Naku naman babes, tiisin mo at tatawag agad ako ng Trikes! nagmamadaling bumangon si Mang Jhon Kanor at dali daling nag-abang sa kanto ng Mataas na lupa para mag abang ng unang dadaan na trikes. (si Jhon Kanor... wag kayong magkakamali na sya ang Pinuno ng Resistance sa Terminator iba po yun sya ang ama ng ating bida). dahil disoras ng gabi, agad namang naka kita ng trikes si Mang Jhon kahit na alam nyang masama ang loob nito dahil alam nya na sa mga oras na yun e tumataas ang gasolina at nagmamahal ng singil ang mga tricycle Drivers. pero no choice kaya kailangan nyang isakay si Aling perla para madala sa pinakamalapit at murang Hospital.. 
isinugod si Aling Perla sa Ospital ng Granja. masasabing ito na ang pinaka murang maningil na ospital noong araw kasi maliban sa mga students pa ang mga doktor dito may posibilidad din na di ka na makalabas ng buhay dito. pagdating nila sa Ospital agad namang naipasok sa ER si Aling Perla.. hindi pinayagan si Mang Jhon na pumasok sa ER kasi naka Spartan lang kasi sya.. may karatula kasi sa labas na "Only Havaianas Slippers are allowed!" kaya no choice nag abang na lang sya sa labas.. halos 5 oras ding nag labor si Aling Perla.. ilang oras din syang nakipaglaban sa kamatayan para lang mailuwa ang di mapakaling sanggol sa loob ng kanyang sinapoponan.. ilang ire pa at... Waaaaaaaahhhhhhhhhh!!! uwaaaaaa.. isang malusog na sanggol na naman ang magpapasikip sa napakagulong mundo.  maya maya pa  ay lumabas na ang duktor para hanapin ang Ama ng bata at ibalita ang magandang balita.. hindi makita ng doktor si Mang Jhon sa compound ng hospital kaya tinanong ng doktor sa security guard kung may nakita syang lalaking nakatambay don kanina na nagsugod ng buntis.. "Naku dok lumabas ho. andon ho sa tapat bahay natin yun hong may burol. tataya lang daw ho kasi may pa Baklay don.." ang sabi ng aantok antok na gwardya.. aba e pakitawag mo at sabihin mo eh nanganak na asawa nya!! mabilis naman sumunod ang aantok antok na sekyu.. ilang sandali pa.. nagmamadaling tumakbo ang sugarol na Ama sa ospital.. Dok dito na ho ako. sensya na nagpatanggal lang ho ng inip! musta na ho asawa ko? Mr. Magbungkal congratulation its a Baby Boy! halos maluha luha si Mang Jhon sa galak... kaya dali dali nyang tinakbo ang kwarto ng kanyang mag ina.. Kanor! ang pogi ng anak natin.. mana sa mommy :)) napangiwi na lang ang bagong tatay habang nakatitig sa sanggol.. Aba eh pogi nga are! bata pa may hitsura na.. kahawig nya si idol.. si James Bong! Huh? Sinong James Bong? ang pabalik na tanong na medyo nahurindat sa paghahawig sa kanilang sanggol.. Si ano, si siro-siro-seben. yung ang intro lagi eh naglalakad na naka america tapos binaril yung telescope! Aaahhhhhhhhhh Shunga ka! di naman si James Bong yun..si ano yun James Bawnd.. puro ka talaga kalokohan Kanor! mamaya babalik dito yung nurse para itala ang name ng bata.. anong ipapangalan natin sa kanya? ang tanong ni Aling Perla. Ahhhmmmm Junior ayaw mo? ang sumbat naman ni mang Jhon. Wala na bang iba? bawi naman ng asawa.. umay na ako sa pangalan mo eh :) o sige, tutal hawig naman sya kay James Bone ipangalan na lang natin sa tunay na pangalan ng Artista..  Oo nga tutal hawig naman sya don yun na nga lang.. sabay halik ng ama at bulong sa natutulog na sanggol..

Welkam to da world... Shawn Kanory Magbungkal :)


EPISODE 2
The new Beginning

Halos di rin nakatulog magdamag si Mang Jhon dahil sa tuwang nadama. andon lang sya sa tabi ng kanyang mag ina. pero maguumaga na kailangan na nyang lisanin ang ospital dahil kinakailangan nyang kumayod.. kahit pagod at puyat kailangan nyang magtrabaho lalo na ngayon at andyan na si Shawn kailangan nyang maibili kahit man lang konting kagamitan na magagamit paguwi ng kanyang magiina. Babes, aalis na muna ako ikaw na ang bahala kay Shawn.. ang paalam ni Kanor sa kanyang asawa. Ok beh.. ingat ikaw. Simpleng tao lang si Mang Jhon, maliit man ang kanilang bahay, may sarili silang maliit na sari sari store na minamanage ni Aling perla. nakaka ahon sila sa hirap sa abilidad ng pagtitinda ng Taho sa umaga at mag babalot naman sa gabi. masipag si Mang Jhon sa katunayan, ang Route nya ng pagtitinda ng Taho ay nagsisimula lagi sa Bus stop papuntang CM Recto deretsong Sabang hanggang sa P. Laygo. pag sinipag pa sya lalo dederetsuhin na nya ang kahabaan ng sabang hanggang City Hall. mayroong pansitan malapit sa Munisipyo kaya kung nakakabenta sya bago mag tanghalian swerte kung wala naman, babaybayin na nya ang buong Ayala Highway para ipagpatuloy ang paglalako ng Taho. sasadyain nya talaga ang SM hanggang South Supermarket hanggang sa makabalik na uli sa busstop. matinde. ganon pa man, kinaya nyang tiisin ang hirap at pagod lalo na ngayon.. andyan na si Kanory.
Taaaaaahhhhhhoooooooooo!! taaaaaaaaaaahhhhhhhoooooooo!! ang sigaw ng halos na di namamaos na maglalako.. Inspired kasi eh." kailangan makarami ako ngayong araw na to! makabili man lang ako ng stuff toy para kay utoy!" kaya mas lalo na lang nyang binilisan ang paglalakad dahil sa mga naghihintay pang suki nya sa araw araw.. halos abutin na ng hapon sa paglalako ni Mang Jhon. umuwi muna sya sa kanila para maligo at bilangin ang kanyang pinamilhan. medyo madami akong nabenta ngayon! habang kinukwenta nya ang sobrang kinita na pambibili sana ng laruan.. kaya dumeretso na sya sa Palengke para bumili ng stuff toy na tumutunog ng twingkle twingkle. paderetso na sya ng ospital ng biglang harangan ng 5 masasamang loob.. "Dre mukhang naka Jackpot tayo ngayon ah.." ang sabi ng isang Goon na naka bonnet. "oo bagong shopping to eh". gatong naman ng isa. "Pare kung ayaw mong masaktan, ibigay mo na lang ang dapat mong ibigay at makaka alis ka na.." dahil sa takot at kaba na nadama ni Mang Jhon naglakas loob pa rin syang sumagot dahil alam nyang kung ibibigay nya LAHAT, means pati stuff toy ni Kanory ay mapapabigay din.. "WALA KAYONG MAHIHITA SA AKIN MGA JOLOGS! mga naka Maskara pa kayong Lima ano kayo Jabbawokees? humanap na lang kayo ng ibang mahoholdap nyo at wala akong panahon sa inyo nagmamadali ako at gutom na ang magina ko! Hindi nagustuhan ng isang holdaper na halatang kababatak ang sagot ng nagmamatigas na hinoholdap kaya pumuwesto ito sa likod at bigla na lang inumbag ng inam! Pak! isang solid na upak ang tumama sa may parteng batok ni Mang Jhon na sya namang ikinatumba nito sa hilo. pinagtatadyakan ng 5 goons ang pobreng mama.. nung mapagod na ang lima agad naman nilang kinuha ng mga to ang wallet ni Mang Jhon. at nang bulatlatin ng pinuno ang wallet.. "BENTE PESOS???" anak ng bakang baog! ano ga iyan.. sa sobrang inis ng isang adik bumunot ito ng balisong at walang awang pinagsasaksak ang pobreng si Mang Jhon.. duguan syang iniwan ng 5 demonyo. pero nagpumilit na bumangon si Mang Jhon hawak ang stuff toy na ireregalo sa kanyang anak.. pinilit na lakarin ang kahabaan ng granja para makarating lang sa ospital. kataka takang sa mga sandaling iyon eh halos walang katao tao sa mga kalye at wala ring masyadong sasakyan. unti unting nagdidilim ang paningin nito, pero nilalabanan nya pa rin para makarating sa ospital. pag dating nya sa harapan ng ospital bigla na lang syang bumagsak at pinilit na ginapang ang main entrance ng ospital na sya namang nakita ng mga naka duty na nurse na kasalukuyang nag totongits. agad na isinugod sa ER si Mang Jhon pero bago sya malagutan ng hininga ibinulong nya sa isang nurse ang huling bilin nya "Pakibigay sa anak ko tong Stuff toy!" andon sila sa room 501. at tuluyan ng binawian ng buhay si Mang Jhon..  
Walang kamalay malay si Aling Perla na nasa room 501 na kasalukuyang natutulog. ng biglang kumatok ang nurse sa kanyang kwarto.. tok! tok! .. kayo po ba si Ka Perla? ang malungkot na tanong ng nurse sa ale.. ahhhmmm opo bakit po may checkup po ba ako ngayon? lalabas na po ba ako bukas ang tanong nya.. ' Malapit na po kayong lumabas ka Perla.. pero andito po ako para iabot sa inyo itong stuff toy para sa anak nyo...'  uy, salamat utoy! nag abala ka pa... 'Ahmmm galing po ito sa asawa nyo..' huh? kay Kanor? e bat di man lang sya dumaan dito? sabi nya babalik sya.. Napaluha na lang ang nurse at nangangatal na sinabi na.. 'Ka Perla, patay na po ang Asawa nyo.. nasaksak ho kanina bago po pumunta dito dyan po sya binawian ng buhay sa harap ng ospital..' Halos di makapaniwala si Aling Perla sa kanyang narinig.. kaya napasigaw na lang sya.. "DIYOOSSSSS KOOOO BAKIT PO??? BAKIT PO??? " halos himatayin si Aling Perla sa kakaiyak... wala na ang asawa nya.. wala na ang masipag at palabirong asawa.. pero alam nyang hindi sya dapat sumuko.. alam nyang kung nabubuhay pa si Mang Jhon. di ito papayag na titigil na lang.. kakayanin nya to. alam nyang mahirap na pagsubok ang pagdadaanan nya pero kakayanin nya to. at isa na lang ang natitira nyang pagasa sa buhay.. si Kanory.. 

EPISODE 3
Aling Perla & her Friend

Halos 20 taon na ang nakalipas noong mangyarri ang masalimuot na pagkaka patay kay Mang Jhon. nagpatuloy ang buhay ng Mag ina. Binata na rin si Shawn.. di na rin nakapag tapos ng pagaaral si Kanor dahil sa hirap ng buhay. asa 3rd year Highschool sya sa Mabini Academy nung tuluyan ng tumigil.  bagama't nagiisang anak, lumaking spoiled brat ito kay Aling Perla.. pero mabait at masunurin naman ito..kaya mas pinili nyang tulungan na lang ang kanyang ina sa paghahanap buhay. at dahil sa pogi at artistahin talaga tong si Kanor totoong madaming babae ang nagkaka crush dito pero di nya pinapansin ang mga chikababes na yun. priority nya ang kanyang nanay. ipinagpatuloy ni Kanor ang hanap buhay ng hindi nya nakilalang ama. ang pag tataho. Aannnnaaakkkkk bangon na tanghali na! ang palahaw ni Aling Perla habang kinakatok ang kwarto ng anak. ano ho bang oras na? ang sagot ng binatang hindi pa ata nakakabalik ang kaluluwa sa sariling katawan. 'Alas 6 na ng umaga! gayak na ikaw anak at baka wala kang mabenta ngayon!' anak ng.. alas sais ng umaga tanghali na? ganon lang siguro ka advance si Aling Perla. kaya gaya ng nakagawian nya. pag kaka gising sa anak deretso na sya sa labas ng bahay nila habang nagwawalis sa kanilang bakuran at inaabangan ang kanyang Mortal Enemy si Aling Donnabel pero kahit kaaway e paborito din naman nyang kakwentuhan ang nagiisang kahanggan.

"E di ganon na nga, Bumili na kami ng Gemini TurnTable sa New Life"
"Hay naku mare, ang yaman nyo na talaga!"
"Hindi naman..."
"Hindi naman talaga Mareng Donnabel, syempre alam ko yun. Sa totoo lang mas mahal ang Technics Turntable na pinadala sa akin ng Bayaw ko sa Italy"
"Talaga lang ha.."

ang Yabangan ng mga Lipenya ay madalas nauuwi sa tawanan. pero wag ka at sa sandaling sabay sabay  na pumikit ang mga tao eh nagagawa ng dalawa na magkalmutan na parang mga pusa. at sa loob ng 3 seconds nakangiti na uli ang dalawa na parang walang nangyari..

"Nga pala Mareng Perly, musta naman yung double cassette tape mo na nasa sanglaan, natubos mo na ba?"
"Naku mareng donnabel, hinayaan ko na tutal luma na naman yun. E yung Colored TV nyo? balita ko nasa repair shop huh.. buti di lumalabo mga mata nyo unlike sa amin na naka LCD na.."
"Anla mare, e ang mahal naman ng bili ng kumpare mo noon sa Saudi. Matibay naman yun kasing tibay ng Hitachi VCD player namin."
"Oh c,mon! VCD Player?? ibig mong sabihin wala pa kayong DVD player???
"Mer..... ummmmm, wala! so what??  Bakit kayo ga?!"
"Syempre meron!"
"Meron na kayo???"
"Meron na kaming balak bumili pag lumaki kita ni Kanor!"
"Ahahahhaha Asa ka.. bibili kayo ng DVD player galing sa binebentang TAHO ni Kanor? shadddapp!"
"Yabang neto.."
"Musta naman ang tyan mo mareng Donnabel, tindi din ni Pare no tuwing umuuwi galing saudi pag alis iiwanan ka ng sanggol parang nagiiwan lang ng souvenir eh :))"
"Oo nga eh.. yae na atleast alam kong sabik na sabik sya sa akin pag nauwi sya.."
"kow... e di siguradong paglabas nyan katakot takot na picture taking na naman gagawin nyo!"
"So siguro naman may Niikon D60 ka na? kasi si Kanor pinadalhan ng tiyuhin nya ng bagong Reflex!"
"Mare sa totoo lang, Laos na ang mga reflex eh.. nakakatakot ng gamitin at baka may mga side effects na!
"Huh"
"Bibili na lang daw si Pare mo ng Video Camera pagbalik galing Saudi. ipapapa package na lang daw nya. dapat nga bibili na kami kanina sa Simplicity eh kaso sabi nya mas maganda nga raw sa Saudi ang mga DigiCam. pero napagkasunduan naman namin na di namin pahahawakin ng Sony Handycam si bunso hanggat di tinutubuan ng bag-ang. ayaw naman naming lumaki si bunso na alam nya na galing sya mayamang pamilya.. "

Ganyan ang Eksena sa Mataas na Lupa kung saan nakatira sila kanor. sa ganong tagpo massasabing buo na ang Araw ni Aling Perla makausap lang ang kanyang Kapitbahay. gustong gusto talaga nila ang naguusap at nagpapayabangan tuwing umaga. pero pareho naman sila laging may kabog sa dibdib, takot na baka sa susunod na tanong e di nila matapatan ang basag sa isat isa..

Episode 4
Kanor & the Bad guys

Maagang bumangon si kanor bagamat napaaga sya ng tulog kagabi. inisip nya na kailangan nyang makabenta ng marami para may pang UNLI TxT sya sa kanyang childhood puppy love. (saka ko na ipapakilala sa inyo ito). hindi nya rin maintindihan ang sarili pero ang alam nya sya ay sobrang excited nung araw na yun kahit na di naman nya alam ang mangyayari.. kaya sya na mismo ang gumising sa kanyang Ina para ihanda ang taho na paninda..

"Mommy!!! bangon na!!  tanghali na!"

 habang may kasamang pag umis habang kinakatok ang kwarto ng ina.. maya maya pa ay bumangon na si Aling perla.

"Ano kamo?"
"sabi ko po Mommy Bangon na!"
"e kung ginagarute kaya kita dyan? may pa mommy mommy ka pa ngayong nalalaman"
"saan ba ang Hada mo at ang aga mo ata ngayon?"
"wala ho nay magkikita lang po kami ng KAIBIGAN ko mamaya kailangan makauwi agad.. "
"ah ay sya basta pag nakabenta ka umuwi ka na agad dito at kailangan nating bumili ng Gasul"
"opo moom..... inay!"

Agad namang inihanda ni Aling perla ang ilalakong taho sa araw na yun.. at naligo na ang ating bida.

"Check ko muna ang mga gadgets ko bago sumabak!" ang sabi ni Kanor sa sarili..
"Mp3 player - Check, Cellphone - check, Suklay - check, cologne - check, twalya - check, extra shirt - check"
Im ready to go!! habang nakikipagusap sa salamin sabay kindat.. 

"Nay aalis na ho ako!" ang paalam ng anak sa kanyang ina na sa mga oras na yun ay busyng busy na sa pakikipagkwentuhan kay Aling Donnabel.. lumarga na si Kanor sabay play ng mp3 player nya. ang track, Eye of the Tiger..
habang binabaybay nya ang Mataas na Lupa papuntang bayan, andon na naka abang ang mga batang suki nya araw araw.. kaya naman di na zezero si Kanor. dahil sa kasagsagan ng araw. naisip nyang mag shortcut na lang sa may Barangay 2 para madali syang makarating sa Palengke para maglako kaya naman lumiko na sya sa May Cultural at nag ronda ng konti sa may Basang hamog.. Takot si Kanor sa lugar ng Barangay 2 bukod sa maraming Bad Boys don, mahihirapan kang makawala sa kanilang teritoryo dahil sa masisikip na iskinita don.. pero binalewala nya to. nung naglalakad na sya sa iskinita di nya namalayan na may sumitsit sa kanya.. PSSSTTT TAHOO!! sigaw ng isang pamilyar na boses.. lumingon sya at nung makita nya kung sino, si Konsehal Joey Boy! ang kilabot ng Brgy 2. 
"yari na naman ako nito anak ng teteng.." ang bulong ni Kanor sa kanyang sarili.. 

"Toy pabili nga ng taho 5 piso" sabi ni Konsehal.
"Yes ser!" sabay bunot sa plastic nyang baso.. 
"Teka teka.. ano yan?" 
"baso?"
"alam kong baso yan! umbagin kita eh.. wag mong sabihing dyan mo ilalagay ang 5 pisong taho??"
"e joey boy ganito lang ang size ng mga baso ko eh"
"ahhh teka.."
pumasok saglit ng bahay si Joey boy at pagbalik inabot ang GA-TABO nyang baso..
"punuin mo na lang at pakidagdagan ng sago!"
"pupunuin ko tong ga tabo mong baso?!?"
"bakit ayaw mo?"
sabay may panlilisik ng mata na para bang nagsasabing pag umangal pa to eh ay may paglalagyan na ang kawawang magtataho.. 
"Wala naman.. para ngang ang liit ng baso mo ngayon eh! heheheh"
walang nagawa si kanor kundi sumunod na lang sa gusto ni Joey Boy. para syang batang paiyak na inagawan ng laruan nung mga oras na yun.. nung makalaya na sya sa pugad ng mga Astig. pinagpatuloy na nya ang pagtahak sa mga iskinita.
sa di kalayuan ay natanaw nya ang isang galit na galit na Binata habang binubogbog ang walang kalaban laban na matanda na naka subsob na sa lupa at patuloy na pinagtatadyakan.. na badtrip si Kanor. ibinaba ang kanyang panindang taho. at nakatitig sa binatang walang awa. kumunot ang kanyang mga noo sabay ikom sa kanyang dalawang kamao.. at sabay sabing "malas mo at napadaan ako dito.. kailanman ay hindi pinapatulan ang matatandang walang kalaban laban" at sumugod na si kanor para ipagtanggol ang binubugbog na matanda..


Jon2 Vinas' photostream

Me & JordanMe & JordanDSC_1271DSC_1270DSC_1265DSC_1262
DSC_1260DSC_1239DSC_1233DSC_1232DSC_1231DSC_1230
DSC_1229DSC_1228DSC_1227HTC TouchHD CameraFerrari Formula 1Anino
ParcoLighterRunning JackElephant ManMy ModelAlexandra's Eye

Randomize