domenica 11 dicembre 2011

My Little Achivement :)

Ako ay nagbalik sa pahinang ito.. sumilip para kumustahin ang mga taong sumusuporta at tumatangkilik sa mga imahinasyong dinidikit ko sa dingding na ito. nagbasa basa ng ilang kumento nag reply ng bahagya then nagisip, at nanahimik... maaaring ang ilan sa inyo ay nagtataka kung bakit di na ako nakakapag sulat.. siguro dahil busy o malamang di talaga ako tamaan ng Mood nitong mga nag daan.. Hindi ko rin alam.. baka di na ako masigla sa ginagawa ko. o maaaring nagsasawa na rin.. ganon pa man.. isang bagay ang nakakasiguro ako. naging Masaya ako sa ginawa ko. gaya mo naaaliw din ako pag paulit ulit kong binabasa ang mga bagay na naihayag ko dito. mga bagay na di ko kayang salitain sa totohanan pero naibubulgar ng isipan. don ko natutunan na pag pala inilalabas ang tunay na nararamdaman minsan di mo rin pala kailangan maghanap ng isang kaibigan para mapagsabihan ng loob. mas iba nga pala yung isinusulat. then 1 day pag ok ka na babasahin mo yng mga sinulat mo para marealize mo ang pagkukulang mo.. kabaligtaran man yung mga sinabi mo sa sulat. eto naman ang magiging inspirasyon sayo para malaman mong di pa huli ang lahat.. madami akong masasayang ginawa dito sa labas ng internet. gusto ko sang ikwento pero sa ibang araw na siguro.. antok na ako ih.. :)) ang importante matutulog ako ngayon nh happy at may kasamang ngiti... :))

mercoledì 9 novembre 2011

Dalamhati

Marahil alam mo na.. sa pagtatapos ng Enero totoong hindi naging maganda ang simula ng ating taon.. eto na siguro ang taon kung saan matatapos ang lahat (sa atin). Nakakalungkot isipin na nauwi lang sa WALA ang lahat. sa araw araw na ginawa ng Diyos na paikutin ang mundo. eto tayo at nakatigil. nakahinto sa sitwasyong walang patutunguhan. madalas nating sabihin na pagod na tayo. siguro nga.. napapagod tayo sa ating mga sarili dahil sinasanay natin ang isat isa sa pag gawa ng mga bagay bagay ng di nagtutulungan. nagpapataasan tayo ng pride gayong ang ating tahanan ay unti unti ng nawawasak dahil sa walang pakialaman. Ako, bilang katulong mo sa pagtawid sa buhay ay pinatay mo ng walang kalaban laban. ako na minsan ay nangarap na maisaayos ang lahat ay di mo pinahintulutang makabangon mula sa aking pagkalugmok... Sayang Hanggang kailan ba tayo ganito? hanggang kailan ka mananatili sa ganyang sitwasyon? ilang beses na akong nagsabi sayo na kailangan na nating tumakbo pero ayaw mo.. mabilis na tumatakbo ang panahon pero anong ginagawa mo? Hindi mo ba alam na ikaw ang Driver ng aking buhay at ako ang sasakyan? alam mo yun. at saksi ka sa mga pangyayari. alam mong walang direksyon ang buhay ko kung bibitawan mo lang ang manibela ko. alam mong pag tumakbo ako magisa may posibilidad na mabangga ako.. alam mo yun dahil madalas mong ginagawa sa akin yun.. Nasasaktan na ako. ang totoo hindi ko naman na hinahangad na maging Priority mo ako. kaya lang, wag mo na man sana akong ihanay sa mga nasa huli na halos ituring mong basura.. wag naman.. kahit papaano naman masasabi ko na minsan napapasaya din kita.. at natutulungan din pag kailangan mo ako. pero di ko na magawang magkusa. sa sentidong mas pinangungunahan ako ng pangamba na baka magkamali o baka di mo appreciate. trauma na sa akin yun dahil eversince ganon ka lagi sa akin.. sorry. pero kahit ganito pa tayo ngayon. aasa at aasa pa rin ako na magbabago ka ng pakikitungo sa akin. isa kang inspirasyon na babaunin ko sa habang panahon...

venerdì 28 ottobre 2011

Buntong Hininga...

Hindi ko maipaliwanag ang araw na to. wala sa sarili, nakatingin sa kawalan, walang ganang makipagusap, walang ganang ibuka ang mga bibig, mahinahon ang tibok ng puso. magulo ang utak. 2 bagay lang ang pumapasok sa isipan.. past and present.. "Ano ba ang nagawa ko?" at "Ano ba tong ginagawa ko?" . naghahanap ng solusyon hanggang unti unting kumukunot ang noo. Konklusyon? isang malaking WALA!! ewan. di ko alam.. hindi ko na alam.. pagod na pagod na ako.. sawang sawa na ako. paulit ulit na lang. . palagi ko na lang sinisisi ang sarili sa bandang huli.. ayaw kong isipin na tuluyan na akong nawala.. nababalot ng kadiliman ang aking puso. pero hindi ako humihinto sa paghanap ng liwanag. at pag nakawala ako sa sariling kulungan. magpapahinga. sa sandaling makaipon uli ng lakas.. babalik na naman ako don. para pahirapan ang sarili.. saktan ang diwa at sisihin ang pagkatao. ikaw? andyan ka lang.. mahinahong sinasaksihan ang mga nangyayari.. hinihintay yung pinangarap mong pagkawasak. ang aking pagkalugmok ang aking pagpanaw.. doon magsisimula ang hinihintay mong kapayapaan. don mo maipagmamalaki na tunay ka ng malaya.. don ka tatanggalan ng tinik na matagal ng naka tarak sa iyong puso. iyon ang araw ng katuparan ng iyong hiniling sa kanya.. iyon ang araw na masasabi mong lubos ka ng masaya..

Pero andito pa ako.. katulad ng iba na nangarap din ng pagbabago. ng panibagong panimula. ng isa pang pagkakataon. karapatan ko rin yun. kahit nagkaganito ako. hanggat may natitira pang hininga at hindi pa sumusuko. tungkulin mo pa rin na ipakita sa akin ang liwanag. andon ako sa gitna pilit na sinisigaw ang pangalan mo.. pilit na nakikiramdam ng alingawngaw ng tinig mo.. pero wala na.. iniwan mo na akong nakakulong sa mundo ko na inakala mong ito ang pinili ko... hindi. hindi ito ang pinangarap ko. . nagkamali lang ako. naliligaw lang ako. eto ang resulta pag pinababayaan mo ako. patunay na hindi ko kayang mabuhay na wala sa piling mo. umasa ako na tatalian mo ako ng pagibig na ipinangako mo.. pero hindi ko namalayan na sinayang ko na pala lahat ng pagmamahal at pagunawa mo. kasalanan ko ito.. patawarin mo ako. hayaan mong pagsisihan ko ang.lahat ng ito.. haaayyyy. bubuntung hininga na lang ako.. sana minsan maalala mo ako dito sa balon na kinalalagyan ko....

martedì 11 ottobre 2011

its just a Music...

Musika. ito ang pagtutuan natin ng pansin ngayon. halos 4 na buwan na rin ang lumipas nang huli kong hawakan ang aking gitara. napakatagal na non para sa isang tunay na Musikero. at kahit pagod galing sa trabaho, sinubukan ko uling mag riff. naisip kong sumepra ng kanta para ma testing ko uli kung uubra pa ang matitigas ko ng daliri. Cariño Brutal. ito ang napili kong tugtugin. kinompose ito ng Bandang Slapshock at ginawan na rin nila ng MTV during their US tour. magandang praktisan ang kantang ito para sa mga non pro guitarist kagaya ko. ilang beses kong pinakinggan, nanood sa youtube ng ilang lesson nag search ng tabs then tinugtog...so far, nakuha ko naman ang 95% ng kanta. :) so pwede pa! pero ang totoo, wala pa akong planong bumalik sa music scene. tumugtog ako dahil excited akong subukan ang aking MARSHALL MAJOR headphone. very satisfied! sino ba nMan ang mag aakala na ang isang pinaka astig na AMP ay magiging ganap na headphone.. pero dahil sa pagod at puyat , akalain mo bang nakatulog ako habang nag iistrum? naimagine ko tuloy ang sarili ko ano kaya at sa gig yun nangyari? nasa kainitan ng concert tapos biglang nakatulog sa stage? tyak madadagdagan na naman ang embarassing moment list ko!
Noong teenager ako napahilig din ako sa pagbabanda.. passion ko yan... hanggang sa maging hobby at nagtapos na lang sa past time ngayon.. kaya may ilang nagtanong din sa akin.. mahusay ka rin pala mag gitara bat ayaw mong bumuo ng compo? ngumiti ako sa kanya at sumagot: alam mo, pag dating sa musika halos nagkakapareho tayo ng hilig. yun nga lang, ikaw lumilikha ka ng musika base sa TRIP mo at kaya mo. ako kumokopya ako dahil nakaka RELATE ako at nahihirapan ako. kaya alam mo kung saan tayo nagkaiba? sa PANANAW.. 31 na ako at pamilyado na rin sa tingin ko hindi na ito ang tamang moment para mangarap maging rockstar.. kuntento na ako na natutugtog ko yung mga kantang madalas kong pakinggan sa mp3 player ko. at kapag napondo ko na ang isang mahirap na kanta, kuntento na ako. at least sa sarili ko masasabi ko na kinaya ko! achivement na yun bunga ng pagtityaga at pagpipilit na macover ang isang kanta then saka ko itatanong sa kanila. kaya mo rin ba to? :)

domenica 2 ottobre 2011

Today's Quote

"Tragedies happen. What are you gonna do, give up? Quit? No. I realize now that when your heart breaks, you got to fight like hell to make sure you're still alive. Because you are. And that pain you feel? That's life. The confusion and fear? That's there to remind you, that somewhere out there is something better, and that something is worth fighting for." — Nathan Royal Scott

Be Kind

Minsan may mga bagay tayo na kahit kaya nating gawin pero hindi natin ginagawa.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maging mabuti sa isang tao,
Gawin mong maging mabuti sa kanila.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na ngumiti sa isang tao
ngitian mo. Ang mga ngiting nakikita mo buhat sa kanila,
yan ang mga ngiting ibinahagi mo sa kanila.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makakita ka ng may lumuluhang tao
Pahiran mo ang kanyang mga luha
hawakan ng banayad ang kanyang mga kamay
Makakaramdam siya ng isang kaligayahan na tanging ikaw lang ang nakapagbigay.
Kung bibigyan ka ng pagkakataong gumawa ng kabutihan sa kapwa,
Susuklian ka rin ng kabutihan.
Ang totoong kabutihan ibinabahagi ng kusa
walang anumang kapalit
ibahagi mo ito ng libre
Kung bibigyan ka ng pagkakataong magbigay ng tulong sa kapwa
yan ang mga bagay na mag papaalala sa kanila na ikaw ay mabuting tao
para sa kanila.
Kung bibigyan ka ng pagkakataong magpatawad sa mga taong nagkakasala gawin mo dahil hindi rin sila perpektong tao.

Huwag na nating hintayin ang pagkakataon,
Ang lahat ng pagkakataon ay hawak mo.

Kahit ano pa sila..

STILL BE KIND!
BE KIND TO THOSE UNKIND.

A Torpe Letter


Dear Nene,


Alam mo bang crush kita? Palagi kitang inaabangan sa school. Kapag nakikita kita, kumpleto na ang araw ko. Hindi mo lang alam, kabisado ko ang sked mo. Alam ko kung san ka dumadaan pagtapos ng mga klase mo. Pero wag mo sanang isiping stalker ako ha. Crush lang talaga kita. Ganito siguro ang naisip ng Diyos para sipagin ako sa pagpasok sa school. Kung ganun man, napakatalino Niya talaga. Binigyan nya ako ng inspiration. Swerte ko nga e, di ko pa birthday niregaluhan na nya ako. Kaso, hanggang tingin lang ako e. Pero sa totoo lang, masaya na ako dun. Basta makita kita sa isang araw makakangiti na ako. Wag ka sanang magagalit, ako yung nag-ipit ng bulaklak dun sa notebook mong naiwan mo sa library. Alam ko namang puno ng notes mo yun sa math pero ginawa ko pa rin. Sorry ha. Alam mo ba may isang beses nagkatabi tayo sa pila sa cafeteria. Tapos nung magbabayad ka na, sakto namang kukuha ako ng sukli. ibinigay sakin nung tindera yung inabot mong bente. Alam mo bang nakatabi pa yun sa aking mga gamit? mas mahalaga pa yun kesa sa 100 peso bill na gloria arrovo o yung up centennial. nung valentines day, ibinili kita ng rosas pero sa hiya ko, ipinaabot ko dun sa isang kaibigan mo. kaso nakita naman daw ng gf nya, napilitan tuloy syang ibigay. babayaran na lang daw nya. tuloy, sumulat na lang ako sa isang yellow paper at nagdrowing ng bulaklak. ginawa kong eroplano at pinalipad ko sayo. tumama ito sa mata mo at nagalit ka kaya't kumaripas ako ng takbo. di ko tuloy nakita kung nabasa mo ito o itinapon lang. Siguro kilala mo na ako kasi friend na kita sa friendster at multiply e. Alam mo ba nung isang araw habang naglalakad ka papuntang lobby, bigla kang napalingon sa akin at nakangiti ka. Ewan ko ba pero alam ko namang hindi para sa akin yung ngiting iyon ngunit natunaw mo pa rin ang puso ko. biglang parang lumutang ang katawan ko sa sarap ng pakiramdam. Para akong xxxxx at ilang minuto akong nakangiti sa kawalan. Gusto sana kitang lapitan at makipagkilala pero nahihiya talaga ako. Ipinakilala ka na sakin nung kaibigan mong kakilala ko pero parang wala lang naman sa iyo. in-offer ko nga yung kamay ko para makipag-shake hands pero hindi mo ata ito napansin. Tina-try ko lumapit sayo at makipagusap pero lagi ka naman may kasama. Gusto sana kita maging kaibigan. at kung papalarin man, mas higit pa run. Kaso natotorpe talaga ako e. Panu ba naman, sa ganda mong yan alam kong marami ka nang manliligaw na hamak namang mas mukhang tao kesa sa akin. kumbaga para tayong langit at lupa e. langit ako, lupa ka. joke lang, baliktad pala. sumulat ako para malaman mong may pagtingin ako sa iyo. sana pansinin mo na ako pag nagkita tayo ulit sa school. kung di man, sagutin mo na lang sana itong sulat kong ito. itatanong ko lang sana kung:


pwede ba kitang ligawan?


A. OO


B. HINDI (ipaliwanag)


____________________________________________


Love,


Totoy