mercoledì 9 novembre 2011

Dalamhati

Marahil alam mo na.. sa pagtatapos ng Enero totoong hindi naging maganda ang simula ng ating taon.. eto na siguro ang taon kung saan matatapos ang lahat (sa atin). Nakakalungkot isipin na nauwi lang sa WALA ang lahat. sa araw araw na ginawa ng Diyos na paikutin ang mundo. eto tayo at nakatigil. nakahinto sa sitwasyong walang patutunguhan. madalas nating sabihin na pagod na tayo. siguro nga.. napapagod tayo sa ating mga sarili dahil sinasanay natin ang isat isa sa pag gawa ng mga bagay bagay ng di nagtutulungan. nagpapataasan tayo ng pride gayong ang ating tahanan ay unti unti ng nawawasak dahil sa walang pakialaman. Ako, bilang katulong mo sa pagtawid sa buhay ay pinatay mo ng walang kalaban laban. ako na minsan ay nangarap na maisaayos ang lahat ay di mo pinahintulutang makabangon mula sa aking pagkalugmok... Sayang Hanggang kailan ba tayo ganito? hanggang kailan ka mananatili sa ganyang sitwasyon? ilang beses na akong nagsabi sayo na kailangan na nating tumakbo pero ayaw mo.. mabilis na tumatakbo ang panahon pero anong ginagawa mo? Hindi mo ba alam na ikaw ang Driver ng aking buhay at ako ang sasakyan? alam mo yun. at saksi ka sa mga pangyayari. alam mong walang direksyon ang buhay ko kung bibitawan mo lang ang manibela ko. alam mong pag tumakbo ako magisa may posibilidad na mabangga ako.. alam mo yun dahil madalas mong ginagawa sa akin yun.. Nasasaktan na ako. ang totoo hindi ko naman na hinahangad na maging Priority mo ako. kaya lang, wag mo na man sana akong ihanay sa mga nasa huli na halos ituring mong basura.. wag naman.. kahit papaano naman masasabi ko na minsan napapasaya din kita.. at natutulungan din pag kailangan mo ako. pero di ko na magawang magkusa. sa sentidong mas pinangungunahan ako ng pangamba na baka magkamali o baka di mo appreciate. trauma na sa akin yun dahil eversince ganon ka lagi sa akin.. sorry. pero kahit ganito pa tayo ngayon. aasa at aasa pa rin ako na magbabago ka ng pakikitungo sa akin. isa kang inspirasyon na babaunin ko sa habang panahon...